Ang PENELCO Board of Directors, Management and staff kasama ang ilang miyembro ng kanilang pamilya ay sama-samang nagtungo sa makasaysayang isla, ang Corregidor. Ito ay isinakatuparan hindi lamang para sa isang summer outing kundi upang magkaroon ng bagong kalinangan at pag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas.
Pagdaong pa lamang sa Isla ng Corrgegidor ay mamalas na ang kagandahan ng lugar, may mga tourist buses, na naghihintay sa buong isla kasama ang nakatalagang tourist guide sa bawat grupo. Dito ay maraming tumalakay sa kasaysayan ng isla. Isa ang Malinta Tunnel sa kinapulutan ng maraming aral na kung saan ay daan-daang mga Pilipino ang nagtago dito noong panahon ng digmaan. Ang lahat ay kakikitaan mo ng pagkagiliw at interes sa bawat lugar at mga gusaling sinira ng digmaan. Masayang nagkukuhanan ng larawan ang mga empleyado kasama ang ilan sa mga Board of Directors. Matapos ang pamamasyal ay masayang nagsalo-salo ang buong grupo sa isang pananghalian. Naging abala rin ang iba sa pagbili ng mga souvenir items, ang iba ay nag-enjoy sa pamamangka sa dagat at ang ilan ay namalagi sa gilid ng dagat habang pinagmamasdan ang kagandahan nito.
Naging masaya ang kabuuan ng pamamalagi sa isla kahit sa sandaling oras lamang ito, di lang dahil sa educational summer trip na ibinigay ng pangasiwaan ng PENELCO kundi dahil sa sandaling oras na iyon ay nagkaroon muli ng bonding ang mga empleyado.