Ikaw, Ako, sa PENELCO
Salamat sa Panginoon, ang Koop ay muling bumangon,
Nakaraa’y huwag na nating lingunin
Itong bago ang ating tunguhin
Refrain:
Ikaw, ako, tayong lahat dito
Ang siyang tanging pag-asa ng Penelco
Ikaw, ako, tayong lahat dito
Ang siyang tanging pag-asa ng Penelco.
Pagmamahal sa trabaho
Ay gawin din sa kapwa empleyado.
Magtulungan at magbigayan
Upang ang masama’y maiwasan.
(Repeat Refrain)
Sana’y lagi nating iisipin
Na tayo ay mayroong tungkulin
At sa bawat gagawin isa-isip na rin natin
Panginoon sana’y lagi kang nasa amin.
(Repeat Refrain 2x)
Pag-asa ng Penelco