1. Magsadya sa malapit na Service Center upang mag fill-up ng application form dala ang mga nabanggit ayon sa mga sumusunod na dahilan:
  • Kung nabili ang bahay – Magdala ng kopya ng bilihan ng bahay o “Deed of Sale”. 

Paunawa: Dapat na nakasaad ang pangalan ng dating may-ari na tumutugon sa kasalukuyang nakapangalan sa resibo ng ilaw. Dapat ding nakasaad ang bagong pangalan na tumutugon sa nakabili ng bahay.

  • Kung patay na ang nasa resibo. Magdala ng Death Certificate. Magdala ng dokumento na nagpapatunay sa bagong may-ari ng bahay. Kung asawa o anak – Marriage Contract o Birth Certificate
  • Ikabit dito ang xerox copy ng huling resibo sa ilaw.

  1. Maaaring kayo (mamimili o kasapi) o ang Service Center Supervisor ang magdadala ng application sa Main Office upang ma “process”, ang “change name.”
  2. Hingin ang triplicate copy ng application form sa Supervisor.
  3. Maghintay sa susunod na buwan ng paniningil.
  4. Maaaring itawag kay Arianne o May sa Tel. # (047) 237-35-12 local 117 upang mag-verify.
Don't forget to share this post!