Pantawid Liwanag and FAQs Lifeliner
FAQ sa panahon ng ECQ
Mga bayarin
| Membership fee | 5.00 |
| Inspection/Installation | |
| Residential | 120.00 |
| Commercial | 220.00 |
| Bill Deposit: | 2,100.00 |
| (Commercial/Apartment/ Consumer with existing KWHM) | |
| OTHER ACCESSORIES: | |
| Meter Base: CL200 | 1,975.00 |
| CL100 | 330.00 |
| Meter Box | |
| Plastic Seal | 5.90 |
| (for residential consumers) | |
| -to purchase dw#6, in excess of 30m.- |
Ano ang dapat gawin ng kasapi- mamimili kung…
- Kung kayo ay pansamantalang nawalan ng kuryente, magsadya sa PENELCO Service Center at pirmahan ang “Consumer Complaint Report” na katunayang kayo ay nagsadya at alamin ang pangalan ng inyong pinagsabihan ng reklamo at ano ang katungkulan, kung wala ang supervisor;
- Kung magpapa-calibrate ng kuntador, ugaliing magsadya muna sa service center (PENELCO sa inyong lugar) bago tumuloy sa main office upang makakuha ng service memo na may kaukulang data at rekomendasyon at siguraduhing may pirma ito ng foreman at supervisor;
- Kung may balak kayong bumili ng bahay na dating may kuryente, siguraduhin muna na ito ay walang pagkakautang sa kuryente o hindi nahulihan ng illegal na koneksyon bago magbayaran, ito ay hindi makakabitan ng serbisyo ng kuryente hangga’t ito ay may pagkakautang;
- Kung kayo ay aalis sa Bataan, ang kuntador na galing sa PENELCO ay hindi maaaring ipagbili at ipahiram sa ibang tao o ipakabit sa ibang bahay, dapat itong i-surrender o ibalik sa PENELCO upang hindi na magpatuloy ang inyong billing.
- Kung ang aplikante ay hindi lehitimong nagmamay-ari ng bahay o establisimiyento na papailawan, ito ay magkakaroon ng karagdagang bayarin na security deposit sang-ayon sa policy ng PENELCO. Maibabalik ang halagang ito kapag isinauli na ang kuntador.
Mga kakailanganin (requirements) sa pag-aaply ng kuryente
- Electrical lay-out/plan/diagram na pirmado ng Professional Electrical Engineer (para sa malalaking establisimiyento)
- Municipal Electrical Permit
- Pagdalo ng pre-membership seminar sa Main Office
- HINDI PINAPAYAGAN ANG PROXY
- Schedule ng seminar: Araw ng Martes – 9:00 AM
Ano ang ginagawa ng PENELCO upang mapanatili ang magandang serbisyo ng koryente sa mga kasapi?
- Nagpapalit ng mga lumang linya at mga poste;
- Nagbabahay-bahay upang mag-inspeksyon at magpalit ng lumang kuntador;
- Nagdadagdag ng transformer upang lumakas at gumanda ang daloy ng kuryente;
- Nanghuhuli ng mga jumper na nagiging sanhi ng pagtaas ng system loss at mataas na taripa (electric rate), pinagmumulta ang mga nahuhulihan;
- Patuloy na nagpapa-training ng mga empleyado at pagpapa seminar sa mga kasapi-miyembro;
- Pagpapailaw sa mga malalayo at sa mga liblib na lugar
Sino ang pwedeng maging kasapi?
- Lahat ng gumagamit/nakikinabang sa koryente ay inaasahang magiging kasapi ng Kooperatiba.
- Ang bawat kasapi ay kinakailangang magbayad ng Limang Piso (P5.00) para sa Membership Fee.
- Ang mga karapatan at tungkulin ng mga kasapi ay nakasaad sa mga patakaran ng Kooperatiba.
- Bawat kasapi ay may tig-iisang boto. Sa kaso ng mag-asawa na parehong miyembro at Mr. & Mrs. ang nakatala, isa lamang sa kanila ang maaaring bumoto.
- Ang mga kasapi ay may tungkulin na bayaran ang kanilang nakunsumong koryente.
Ano ang mga karapatan ng isang miyembro o kasapi?
- Bumoto
- Maghawak ng halal na pwesto
- Mabatid ang mga bagay na dapat malaman sa kooperatiba
- Magsuri ng libro de kuwenta ng kooperatiba sa makatwirang oras ng pagtatrabaho
