1. Walang proyektong pamabayan ang magtatagumpay kung walang magtutulong-tulong. Dapat ding isaalang-alang ang kapakanan ng iba.
  2. Kailangan ng bayan ang serbisyo ng koryente para sa pagpapaunlad ng industriya at kalakal na pakikinabangan ng lahat, kaya hindi dapat ipagkait ang kapirasong lupa o halamang mapuputol para pagtayuan ng poste ng koryente.
  3. Kailangan ng bawat tahanan ang serbisyo ang koryente para sa ika-uunlad ng kabuhayang pantahanan.
  4. Isang malaking pagkakataon para sa lahat na ang kapirasong lugar na ibinigay o halamang naputol ay magiging timbulan ng pag-unlad ng higit na nakararami.
  5. Ang bawat posteng itatayo sa mga lugar na ipinagkaloob ay magsisilbing bantayog ng pagkakaisa ng mga taong nagsasama para sa kagalingang panlahat.
  6. Anuman ang nawala o naipagkaloob labis-labis naman ang biyayang maidudulot na serbisyo ng koryente.
Don't forget to share this post!