- Maagap na pagbabayad ng nakonsumong kuryente
- Upang maiwasan ang maputulan ng serbisyo ng kuryente
- Upang mabayaran ang kuryenteng binibili ng PENELCO sa GN Power, SMEC (San Miguel Energy Corp.) at WESM (Wholesale Electricity Spot Market) pati na rin sa NGCP (National Grid Corporation of the Philippines) na siyang naghahatid ng kuryente mula sa mga supplier patungo sa PENELCO
- Upang ibayad sa suweldo ng mga kawaning sa ati’y naglilingkod
- Panustos sa operasyon nito, gayundin sa pagpapabuti ng serbisyo
- Bilang kasapi at nakikinabang sa kuryente ng kooperatiba, makatwiran lamang na tumulong sa pagpapaunlad nito.
- Pagbibigay proteksyon sa pag-aari ng kooperatiba
- Pagbibigay ulat hinggil sa gumagawa ng pandaraya at pagnanakaw ng kuryente
- Dumalo sa mga pulong na regular upang mapalawak ang kaalaman na nauukol sa punong-tanggapan o sa pinakamalapit na sangay nito
PAALALA: Huwag galawin o pakialaman and kuntador at linya ng elektrisidad upang maka-iwas sa aksidente

