Babayaran ang mga pagkakautang na Electric Bill at dagdag na P30.00 (residential) Reconnection Fee sa ating Sangay-Tanggapan.
Ang Service Center Supervisor (SCS) ang gagawa ng “Turn-On-Order” para maibalik ng Lineman ang serbisyo (kung kalalagot pa lamang).
Kung matagal nang nalagutan, magsasadya ang consumer sa Punong Tanggapan (Main Office) na may dalang Service Memo pirmado ng SCS at kuntador/metro. Ang ISDD ang siyang mag-aasikaso ng inyong mga papeles.
Kukuhanin ng Service Center Crew ang kuntador at silang magtatakda ng muling pagkakabit nito.