Kung kayo ay pansamantalang nawalan ng kuryente, magsadya sa PENELCO Service Center at pirmahan ang “Consumer Complaint Report” na katunayang kayo ay nagsadya at alamin ang pangalan ng inyong pinagsabihan ng reklamo at ano ang katungkulan, kung wala ang supervisor;
Kung magpapa-calibrate ng kuntador, ugaliing magsadya muna sa service center (PENELCO sa inyong lugar) bago tumuloy sa main office upang makakuha ng service memo na may kaukulang data at rekomendasyon at siguraduhing may pirma ito ng foreman at supervisor;
Kung may balak kayong bumili ng bahay na dating may kuryente, siguraduhin muna na ito ay walang pagkakautang sa kuryente o hindi nahulihan ng illegal na koneksyon bago magbayaran, ito ay hindi makakabitan ng serbisyo ng kuryente hangga’t ito ay may pagkakautang;
Kung kayo ay aalis sa Bataan, ang kuntador na galing sa PENELCO ay hindi maaaring ipagbili at ipahiram sa ibang tao o ipakabit sa ibang bahay, dapat itong i-surrender o ibalik sa PENELCO upang hindi na magpatuloy ang inyong billing.
Kung ang aplikante ay hindi lehitimong nagmamay-ari ng bahay o establisimiyento na papailawan, ito ay magkakaroon ng karagdagang bayarin na security deposit sang-ayon sa policy ng PENELCO. Maibabalik ang halagang ito kapag isinauli na ang kuntador.