Sa ika-14 na taon ng pagdaraos ng Taunang Pagpupulong ng PENELCO o Annual General Membership Assembly (AGMA) ng mga Member-Consumer Owners (MCOs) ay muling pinakita ang partisipasyon ng mga miyemro noong ika-27 ng April 2019, kung saan umabot sa 25, 773 ang naki-isa at lumahok dito.
Sinimulan ang pagpaparehistro sa ganap na alas 5:00 ng madaling-araw hanggang
alas 2:00 ng hapon, kung saan napatunayan ng mga MCOs na kahit anong layo ay hindi naging hadlang upang masaksihan ang nasabing pagpupulong.
Ang programa ay nagsimula eksaktong alas 2:00 ng hapon na pinangunahan ng mga Board
of Directors. Kabilang sa mga dumalo ay ang ating butihing Vice Governor Christine Garcia, Mayor Generosa dela Fuente ng Samal at ilang mga panauhin na naging bahagi ng pag-unlad ng kooperatiba.
Pinaunlakan din ng ating kasalukuyang NEA Administrator na si Hon. Edgardo Masongsong na nagbigay ng mahalagang mensahe na mas lalo pang patibayin ang kooperatiba at maipagpatuloy ang magandang serbisyo para sa ikauunlad ng probinsiya ng Bataan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat empleyado at memberconsumer
owners. Sa ginanap na AGMA ay nailahad din ang usapang pinansiyal, teknikal at mga kasalukuyang proyekto ng PENELCO, sa layuning mapaghandaan ang patuloy na pag-unlad ng lalawigan ng Bataan dahil ang pag-asenso ng isang bayan ay naka base rin sa maayos na pamamalakad ng kuryente at supply nito.
Nagkaroon din ng pagkakataon na manalo ng “motorcycle at television” ang isang MCOs bawat bayan na nagpa-rehistro noong araw na iyon.
Sa kabila ng dami ng bilang na dumalo ay napanatiling maayos at mapayapa ang AGMA, sa tulong ng iba’t-ibang ahensiya at sangay ng gobyerno, tulad ng PNP Bataan, 305th Batallion, MBDA Traffic Enforcers at MEDICS, CDRRMO, PDRRMO, Red Cross Bataan Chapter, CPSO, Abucay Marshal , Orion Rescue na taon-taon ay kaagapay ng PENELCO upang maging matagumpay ang Annual General Membership Assembly.
Muli, ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi sa PENELCO 14th Annual General Assembly Meeting. by: Mylene Dominguez

