GO
Home arrow About PENELCO

 
About PENELCO   Print  E-mail 

Ano ang PENELCO?
 
Ang PENELCO (Peninsula Electric Cooperative, Inc.) ay isang samahan na itinatag para sa pangangailangang pang-elektrisidad ng mga kasapi at mamimili nito. Ito ay itinatag at narehistro sa NEA (National Electrification Administration) noong ika-10 ng Abril 1990 sa ilalim ng kapangyarihan ng PD 269.
 
Layunin ng PENELCO
 
Layunin ng Pangasiwaan ng PENELCO na maipabatid sa bawat kasapi (member) at mamimili (consumer) ang mga kaalaman tungkol sa ating kooperatiba at mga Patakaran nito nang sa gayon ay maging tama at makabuluhan ang kanyang pananaw sa kooperatiba.
 
Naniniwala kami na ang mga kasapi at mamimili na may sapat na kaalaman at pang-unawa sa mga bagay-bagay na sa kanila'y natutungkol ay magiging kabalikat sa ikapagtatagumpay ng mga gawain ng Kooperatiba at tungkol sa programa sa elektripikasyon.
 
Hindi lingid sa marami na sa ngayon ay maganda na ang operasyon ng Kooperatiba. Ito ay dahil na rin sa patuloy na pakikipagtulungan ng mamimili / kasapi at pagtangkilik sa mga programa ng Kooperatiba.
 
Tanging sa matapat na pagtupad ng Pamunuan at ng mga kawani sa kanilang mahalagang tungkulin at ibayong pakikipagtulungan ng mga mamimili / kasapi ang kinakailangan upang mapanatiling maayos, mabilis, at maasahan ang serbisyo mula sa KOOPERATIBA.

  1. Bigyang liwanag sa pamamagitan ng koryente ang lahat ng nasasakupan nito.
  2. Palawakin at pagyamanin ang serbisyong ibinibigay sa namimili at kasapi.
    Dalawang (2) mahahalagang patakaran ng Kooperatiba na kapag nilabag ay magiging dahilan ng pagputol ng serbisyo ng koryente
    • Patakaran sa pagbabayad
    • Patakaran sa paggamit ng mga illegal koneksyon at kauri nito.
  3. Magbigay ng maayos at mabilis na serbisyo sa mga mamimili / kasapi.
Lawak ng PENELCO
 
Ang bumubuo dito ay 12 bayan - Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal, Abucay, Balanga, Pilar, Orion, Limay, Mariveles, Bagac at Morong.
 
Layunin ng Pangasiwaan ng PENELCO ngayon na marating ang bawat kasapi (member) at mamimili (consumer) nito upang maipabatid ang mga patakaran nito ng sa gayon ay maging tama ang kanilang pananaw sa Kooperatiba.

 

AMENDED BY LAWS OF PENINSULA ELECTRIC COOPERATIVE, INC.





My PENELCO Bill!

Events Calendar
December 2017
M T W T F S S
272829301 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.
Penelco Employees Only!



Hit Counter
2900383 Visitors

We have 25 guests online

Copyright © 2012, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM