GO
Home arrow History of PENELCO

 
History of PENELCO   Print  E-mail 

MAIKLING KASAYSAYAN NG PENELCO

Ang Peninsula Electric Cooperative, Inc. (PENELCO) ay isang samahan na itinatag para sa pangangailangang pang-elektrisidad ng mga kasapi at mamimili nito. Isa lamang ito sa 119 na Electric Coop na itinatag sa buong Pilipinas sa bisa ng Presidential Decree No. 269 sa ilalim ng pamamahala ng National Electrification Administration (NEA) na isang ahensya ng gobyerno.

Ang PENELCO ngayon ay dating Bataan Electric Cooperative, Inc. (BATELCO) na napilitang isara dahil sa matinding krisis sa pananalapi. Hindi ito regular na nakapaghulog ng amortisasyon sa NEA na pinanggagalingan ng capital nito; hindi rin nakapagbayad nang sapat sa NPC kung saan ito bumibili ng kuryente na siya ring ipinagbibili ng "retail" sa consumers. Tuluyan na itong nagsara noong Marso 27, 1990 na siyang naghudyat upang itatag ang PENELCO at marehistro noong Abril 10, 1990. Kaalinsabay ng pagkakarehistro ng PENELCO ay ang pagbuo ng pitong (7) Interim Board of Directors na nanggaling sa iba't ibang sector mula sa 12 bayan ng Bataan.

Ang PENELCO, mula sa mababang antas ay nagsimulang kumilos at sa tulong ng mga member-consumers, mga Alkalde, mga Kapitan, pati Gobernador ay unti-unting umangat at noong 1991 ito ay nagkamit ng titulong "Most Improved Coop" sa Gawad Parangal na ibinigay ng NEA.

Mula noon, taun-taon ay nakatatanggap ng parangal ng pagkilala ang PENELCO, dahil sa patuloy na pagbaba ng System Loss. Mula sa Category D, ito ay tumaas sa Category B at tumuntong sa Category "A plus" na siyang pinakamataas na antas, at naging Most Outstanding Electric Cooperative ng bansa noong 2001 hanggang 2011, at sa taong 2012 ito ay nagkamit ang Hall of Fame Electric Cooperative Award.

Ang PENELCO ang kauna-unahang kooperatiba sa buong bansa na nakatanggap ng pagkilala na 100% na nakapagpailaw ng lahat ng sitio at barangay ng buong lalawigan.

Sa ngayon, ang PENELCO ay may 294 na kawani na nagsisilbi sa 166,201 miyembro-konsumedores (as of Dec. 2014) at patuloy na tumatanggap ng parangal at pagkilala mula sa NEA dahil sa katapatan sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa mamimili-kasapi.





My PENELCO Bill!

Events Calendar
December 2017
M T W T F S S
272829301 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.
Penelco Employees Only!



Hit Counter
2900522 Visitors

We have 26 guests online

Copyright © 2012, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM