GO
Home arrow New Electric Services

 
New Electric Services   Print  E-mail 

Aplikasyon Upang Maging Kasapi ng Kooperatiba

  1. Ang aplikante ay kailangang magbayad ng limang piso (P5.00) para sa "Membership Fee."
  2. Ang aplikante ay sang-ayong bumili ng koryente sa kooperatiba batay sa patakaran nito. Ang kooperatibo ay may karapatan na hindi ipagpatuloy ang serbisyo ng koryente dahil sa paglabag ng aplikante sa mga patakaran at layunin ng kooperatiba.
  3. Ang aplikante ay sang-ayon sa pamamaraan ng pagkakabit ng mga kawad sa patakaran ng kooperatiba at may obligasyong pangalagaan ang metro laban sa pagkasira at pagkawala nito. Ang aplikante ay sang-ayon na bayaran ang halaga ng metro kung ito ay mawala o sadyang sinira.
  4. Ang aplikante ay sang-ayong sumunod sa patakaran ng kooperatiba at ang anumang ari-arian ng kasapi ay hindi panghihimasukan o ibabayad sa pagkakautang ng kooperatiba.
  5. Ang aplikante ay sang-ayong sumunod sa kooperatiba sa anumang pagbabago nito, katulad ng pagbababa o pagtataas ng bayad sa koryente.
  6. Ang aplikante ay sang-ayon sa patakaran ng kooperatiba sa pagsasa-ayos, pagtatatag, pagpapalit at pagkukumpuni ng mga kinakailangang gamit sa pagkakabit ng koryente sa lugar na pag-aari ng aplikante upang ang pagpapalaganap ng koryente ay maging maayos sa kapakinabangan ng aplikante. Lahat ng metro, switch o anumang gamit sa koryente na ikinabit ng kooperatiba ay maliwananag na pag-aari nito. Ang kooperatiba ay may karapatang pumasok sa kapaligiran at kabahayan upang suriin ang mga kasangkapang de-koryente ng aplikante upang malaman ang makukunsumo ng mga kagamitang ito na walang pananagutang sibil o kriminal.
  7. Ang kooperatiba ay hindi nananagot sa anumang di-pagpasok ng koryente sapagkat may hadlang sa bahay ng aplikante.
  8. Ang paglagda sa kasunduan ay nangangahulugan ng pagsang-ayon ng aplikante sa mga patakaran at layunin ng kooperatiba. Kapag nilagdaan ng aplikante ang kasunduan, ang serbisyo ng koryente ay magsisimula at hanggang kinakailangan ng nakalagda ang koryente at sang-ayon sa mga patakaran at layunin ng kooperatiba ang serbisyo ng koryente.




My PENELCO Bill!

Events Calendar
December 2017
M T W T F S S
272829301 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.
Penelco Employees Only!



Hit Counter
2900418 Visitors

We have 22 guests online

Copyright © 2012, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM