GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow January 2005 arrow BAPA Update

 
BAPA Update   Print  E-mail 
Sa taong 2005, panibagong pagsisikap muli tungo sa pag-unlad at magandang operasyon ng BAPA ang muling tatahakin ng mga opisyales at mga kasapi. Karamihan sa mga BAPA ay nagkaroon ng mga proyekto na nakatulong sa kanila na nagmula at ginastusan ng pondo na kanilang naipon mula sa pagiging BAPA. May ilan na nakapagpatayo ng mga st. lights, opisina, gripo, arko, tulay at daan para sa kapakanan ng lahat. Ang iba naman ay nagbigay ng dividendo at groceries para sa mga kasapi at livelihood projects gaya ng pag-aalaga ng baboy at iba pa.

Bagamat may mga pagsubok at problemang pinagdadaanan ang mga BAPA, kanila pa rin itong nalalampasan sa tulong na rin at pakikiisa ng mga kasapi. Mahalaga ang kooperasyon ng bawat miyembro sapagkat isa itong malaking tulong tungo sa pag unlad ng kanilang samahan o BAPA.

Ang Penelco ay patuloy pa rin na nagbibigay ng suporta at benepisyo na nauukol sa mga BAPA. Sa katunayan, simula Nobyembre 2004, ang Penelco po ay nagbibigay na ng karampatang diskwento sa lahat ng miyembro o kasapi ng BAPA na may kunsumong 40 kwhr pababa. At para matanggap nila ito, amin pong muling pinapayuhan ang mga opisyales na magsumite ng Report sa Tanggapan ng BAPA para sa nasabing diskwento at sikapin ng mga miyembro na up- to- date magbayad para ma-enjoy ang lifeline discount na ito.

Sa lahat ng mga BAPA, hangad namin na maging maayos ang inyong samahan at patuloy na gampanan ang inyong obligasyon tungo sa pag unlad. (By: Carmen D. Cruz)





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
562252 Visitors

We have 3 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM