| |
|
PENELCO Band nakiisa sa dalawang okasyon
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Dalawang magkasunod na okasyon ang dinaluhan at pinasaya ng PENELCO Band ngayong Disyembre. Isa na rito ang paanyaya ng National Electrification Administration (NEA) para sa kanilang Christmas Party na ginanap noong ika-21 ng Disyembre. Isang masayang salo-salo ang naganap ng araw na iyon gayun din ang nakakaaliw na presentasyon ng bawat departamento. Nagbigay ng maikling pananalita si Administrator Edita Bueno at nabanggit niya ang buong tiwala ng NEA sa PENELCO kaya’t hindi nila ito pwedeng pabayaan sapagkat saksi sila sa pagbangon nito mula sa dating bagsak na kooperatiba. Ksabay ng pasasalamat ng Administrator sa ating kooperatiba dahil sa walang sawang pagbibigay kasiyahan ng PENELCO Band sa kanilang okasyon.Sumunod na araw, Disyembre 22, naimbitahan muli ng mga miyembro sa “Municipality of Dinalupihan” para sa kanilang “Family Day”, sa pamumuno ng magiting na alkalde ng bayan, Mayor Joel Jaime Payumo. Masayang nakisaliw ang mga empleyado at mga pamilya nito sa tugtugan at sayawan kasama ang nasabing banda. Sa puntong ito, hindi lamang kuryente ang hatid ng PENELCO pati na rin sa inyong walang sawang pagtangkilik. Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon sa inyong lahat! |