|
|
|
|
|
|
Magandang Balita !
Nais po naming ipaalam sa lahat ng consumers ng Bapa, na ang Penelco po ay magbibigay ng karampatang diskwento sa lahat ng kasapi ng Bapa na may kunsumong 40 kwh pababa bawat buwan. Nakatala po sa ibaba ang halaga ng diskwento na maaaring ibawas sa kanilang babayaran. Ang halaga ng diskwento na kanilang matatanggap ay magbabago kada - buwan at ito ay iaayon at kukuwentahin base sa taripa na ibibigay ng Penelco sa Bapa. Ang lifeline discount ay kanila lamang makukuha kung ang Vice Finance ay buwanang magsusumite ng Statistical Report sa Tanggapan ng BAPA dahil ang kaukulang benepisyo ay amin pong ibabatay sa Statistical Report na isusumite ng mga opisyal ng BAPA. Mahalaga ang buwanang pagrereport ng bawat Vice Finance ng Bapa sapagkat sa kanila po nakasalalay, upang ang kanilang consumers ay makakuha ng diskwento. Sa katunayan, ang BAPA Staff ay nagpadala na po ng liham sa lahat ng Chairman at Vice Finance ng BAPA para sa isang pagpupulong at briefing sa kanila upang ipaliwanag ang tungkol sa Lifeline Benefits o diskwento na maaaring tanggapin ng kani-kanilang consumers. Ang nasabing pagpupulong ay isanasagawa sa bawat Service Center ng inyong lugar.
Ang lahat ng Chairman at Vice-Finance ng BAPA ay amin pong pinapayuhan na dumalo sa nasabing briefing para sa karagdagang kaalaman hinggil sa benepisyo na matatanggap ng inyong mga kasapi. (ni Carmen D. Cruz) |