|
|
|
|
|
|
Isang patunay na sa kabila ng mga problemang dumarating sa ating bansa ay masasabi pa rin natin na masuwerte pa rin tayong mga taga Bataan sa larangan ng elektrisidad. Maliban sa mga reklamo na natatanggap ng PENELCO sa ilan mga member consumers sa biglaang pagtaas ng singgil ng kuryente ay mapapatunayan pa rin natin na talagang pinagpala pa rin ang mga Bataenos. Ating pagkumparahin ang singil ng kuryente ng PENELCO at MERALCO. Base sa talaan sa ibaba ay kapansin-pansin ang malaking kababaan ng singil ng ating kooperatiba (PENELCO) kumpara sa pribadong kumpaya ng MERALCO. Ang nakunsumong 456 kilowatt sa PENELCO ay nagkakahalaga lamang ng P2,906.12 samantalang sa MERALCO ang 456 kilowatt ay umabot ng P3,819.20. Nangagahulugan lamang na mas mababa ang singil ng kuryente ng PENELCO ng P2.0023/kwhr kumpara sa MERALCO.
Sa kabila ng mga batikos na tatangggap ng PENELCO, umaasa pa rin ang Pangasiwaan na darating din ang tamang panahon na magkakaroon ng kasagutan at kaliwanagan ang mga tanong ng bawat kasapi. Ugaliing magbasa ng balita ng PENELCO upang malaman natin ang mga nangyayari sa ating kooperatiba. Kung mayroon man mga mumunting katanungan na naglalaro sa inyong isipan na wala pang kasagutan ay posibleng masagot sa pamamagitan ng ulat PENELCO. Buwan-buwan po ay naglalahad ng Ulat ng Kooperatiba ang PENELCO, kaya nakikiusap ang Pangasiwaan sa inyong lahat na sumubaybay po tayo sa balitang PENELCO. (ni Gina M. Jorge) |