|
|
|
|
|
|
Panahon ng mga gastusin! Nagpaplano tayo ng kung ano ang mabuting ibigay sa mga ina-anak, kaibigan at mga mahal sa buhay. Ang malaking katanungan kulang ang budget!! Ang iba ay nag-iisip ng sideline upang maragdagan ang kinikita. Mayroon namang mataktika nagtatabi buwan-buwan. May iba namang naghihintay ng may malabis sa budget upang makabili ng unti-unti.
Paano naman natin pinaghahandaan ang pagkaka-roon ng kayamanan sa Langit na di nasisira? Siyempre kailangan maging kara-patdapat tayo, paano? Sinasabi sa Mateo 19: 21 " Jesus answer If you want to be perfect, go and sell your possession and give to the poor and you will have treasures in heaven, then come follow me" kung nais natin magkaroon ng kayamanan sa langit humakbang ka, kailangang "to let go" " to pay the price" ang anumang makakahadlang sa ating "perfection" upang makamtan ang " treasures in heaven".
Marami sa atin ang "self-centered" ang iniisip ay palaging para sa kapakanan ng sarili. Ang mahirap pa ay nakasasagasa pa ng iba, makuha lamang ang gusto. Kailangan isaisip natin ang sikreto ng pagkakaroon ng kayamanan sa langit ay pagpapakumbaba.
Jesus was the perfect example. Pinili niyang magpakasakit upang ipakita ang kumpletong pagsunod o pagtitiwala at pagpapakumbaba sa Ama para ma-attain ang perfection. |