| |
|
BAPA SITIO BALITE (Maligaya), DINALUPIHAN
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Ang elektrisidad ay maituturing na rin na isa sa pangunahing pangangailangan natin. Malaki ang naitutulong nito para maiusad ang estado natin sa buhay. Ang Bapa Sitio Balite ay matuturing na mapalad na lugar sapagkat sa kabila ng napakalayo nila sa kabihasnan, sila ay nabiyayaan ng serbisyo ng koryente ng ating Kooperatiba (Penelco) sa pamamagitan ng BAPA. Maraming taon silang nagtiis sa kadiliman ng kanilang lugar kung kayat ng maiorganized na silang Bapa, nagkaroon ng kasiyahan ang lahat ng naninirahan sa Sitio Balite. Malaki ang naging pasasalamat nila sa Penelco sapagkat magiging maliwanag na ang kanilang lugar at makakapagpatayo na sila ng negosyo na may kaugnayan sa paggamit ng koryente.
Anim na taon na ang Sitio Balite sa pagiging Bapa at malaki na rin ang naging improvement nito. Sa katunayan, ang BAPA Balite ay nagpapagawa ng isang maliit na opisina. Unti-unti nila itong pinapagawa at ang mga gastusin ay nagmumula sa naiipon nilang pondo. Sa ngayon, halos P 60,000.00 na ang kanilang nagagastos sa kanilang opisina. Bukod pa rito, ang mga Pamilya Flores na kasapi nila ang nagkaloob ng lupa sa samahan upang ang kanilang minimithing proyekto ay magkaroon ng katuparan. At siyempre, malaki rin ang naging bahagi ng mga opisyales ng Bapa Balite para maging maganda ang samahan nila at magkaroon ng pagkakaisa ang lahat ng naninirahan dito. (Ni Carmen D. Cruz) |