GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow October 2004 arrow Editor's Note

 
Editor's Note   Print  E-mail 
Sa paglakad ng panahon ibat-ibang katanungan ang nabuo sa puso at isipan ng ating mga member-consumers at ang mga ito ay napakalaking hamon sa PENELCO. Ang pagkakaroon ng unbundling of rates o hiwalay na singil sa kuryente o mga charges ang "talk of the town ngayon" na malaki ang naging epekto sa ating mga kababayan. Iba't-ibang kuro-kuro o palagay ang narehistro sa kaisipan ng bawat isa. Nanduon ang mga haka-haka na puro pabor daw sa PENELCO ang nagagawa at gagawin pa nito at wala daw magawa ang mga mamimili nito.

Kabi-kabilang panawagan at miting hanggang sa kasalukuyan ang dinadaluhan ng mga staff ng PENELCO sa Sanguniang Bayan ng lalawigan at miting ng mga Asosasyon ng Barangay Captains hinggil sa paksang ito. Kung ating iisipin dapat pa tayong magalak sapagkat ginagawa ng Pamunuan ng PENELCO ang makabubuti para sa kooperatiba at sa mga mamamayan ng Bataan. Subukan nating tingnan ang mga karatig lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao. Dito sa Luzon, isa lamang ang PENELCO sa nakapagpa-ilaw ng 100% Barangay pati na rin mga Sitios.

Kung hinihingi ng pagkakataon ay magkaroon sana tayo ng paghahambing o paghahalintulad sa ibang kooperatiba sa larangan ng elektrisidad. Lingid po sa kaalaman ng lahat ang PENELCO ang isa sa may pinakamababang singil ng kuryente sa buong Luzon na P3.3413 para sa mga residential users kaya lang umabot ng P4.6698 ay dahil sa hiwalay na charges na singil ng ating gobyerno. Ang dating bagsak na BATELCO ay muling bumangon sa pangalan ng PENELCO na tumanggap ng maraming parangal ng pagkilala bilang Most Oustanding Coop in the Philippines. At sa kasalukuyan ay nakapagpatayo ng sari-sariling substation sa bawat kabayanan ng Bataan na sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang madalas na brownout.

Higit sa lahat, humihingi po ang PENELCO ng mas higit ninyong pang-unawa sa operasyon sa ngayon, sapagkat hindi lamang ang PENELCO ang kumakaharap sa matinding crisis sa kuryente kundi ang buong kooperatiba sa Pilipinas sa larangan ng elektrisidad.





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
562216 Visitors

We have 8 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM