|
|
|
|
|
|
Setyembre ... sa pagsapit ng unang araw ng buwan na ito, simula na tayong mag-isip ng tungkol sa Pasko. Alam nyo bang dito sa Pilipinas ang Pasko ay tumatagal ng apat na buwan? Abala ang ating kaisipan sa pagpili, paglilista ng mga dapat iregalo at regaluhan sa pagsapit ng Pasko, para sa ating mga mahal sa buhay tulad ng magulang, asawa, anak, kaibigan at mga inaanak, at paggawa ng new year's resolution.
Panahon din ito nang pagsasama-sama ng pamilya, kaibigan, pinsan at kamag-aral dahil uso ang Reunion kadalasan ito rin ang panahon na naala-ala ang patungkol kay Kristo, magkakagalit na nagkakabati dahil ang diwa ng PASKO ay PAG-IBIG...
Pati ang simbang gabi ay atin ding pinananabikan. Ngunit dapat nating tandaan hindi lamang ang Pasko at regalo ang ating pag isipan kundi ang kuryenteng ating dapat bayaran sa Penelco. Hindi magiging masaya ang ating Pasko kung ang ating tahanan ay walang kuryenteng magbibigay liwanag sa atin. Kuryenteng nakunsumo ay dapat bayaran sa takdang petsa at araw.
Maligayang Pasko po! |