GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow July 2004 arrow "Basura"

 
"Basura"   Print  E-mail 

Ugali ng mga tao kung hindi man lahat ay mag-ipon ng mga bagay-bagay. Tsenilas na tig-kakabyak, lumang card, damit na minsan lamang isinuot, mga aklat na hindi nabasa, damit na pinagkaliitan at marami pag-iba. Pag-naisipang maglinis ang sarap ng pakiramdam maluwag ang paghinga at maaliwalas ang paligid.

Ganyan ang espiritual na kalagayan ng tao mahilig tayong mag-ipon ng sama ng loob, galit, di pag-papatawad, mga negatibong kaisipan, mga salin-salin na salita na nakapagparumi ng ating isip at puso. Kung matutuhan nating iwaksi, di tanggapin ang mga basura sa ating isip at puso di ito marurumihan at makakaharap tayo ng walang balakid sa Panginoon.

Salamat sa ginawa ni Cristo sa Krus nilinis niya ang ating mga kalikuan, ginawa niya tayong banal sa biyaya ng Diyos. Wala tayong magagawa sa kahinaan natin, mabuti ang Diyos siya ang umako nito sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus. Ang magagawa lang natin ay manampalataya, maniwala at isuko lahat ng mga basura at huwag na muling kuhanin pa o bawiin.

Sabi sa Epeso 4:22-25A." Iwan na ninyo ang dating pamumuhay hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao, na napahamak dahil sa masasamang pita. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip at ang dapat nakita sa inyo'y ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng Kanyang katuwiran at kabanalan. Dahil dito, itakwil na ng bawat isa ang kasinungalingan at lahat ay magsalita ng katotohanan.





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
562217 Visitors

We have 7 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM