|
|
|
|
|
|
Buwan ng Hunyo hanggang Oktubre ay panahon ng
tag-ulan. Ito ang buwan na mas higit na hirap ang ating mga linemen, collectors
at meter readers.
Humihingi ng mas higit na pang-unawa ang pamunuan sa mga kasapi ng
kooperatiba sa mga posibleng maging problema sa kuryente lalo na sa
pansamantalang brownout na paminsan minsan ay di maiwasan lalo na kung ito ay
emergency cases. Katulad na lamang ng pagkakarooon ng clearing o pagpatay ng
power sa kadahilanang ang mga nakasaging sanga ng puno o dahon sa ating mga
linya ay kailangan ng putulin dahil ito po ay nagbibigay ng mataas na system
loss o ang tinatawag na pinangagalingan ng mataas na singil ng taripa sa
kuryente. Ang sunod-sunod
na brownout sa Dinalupihan mula Luacan hanggang Bangal, Dinalupihan ay hindi
tuwirang kagustuhan ng Penelco na mawalan ng power. Para po sa inyong kaalaman,
ang pagkakaroon ng ganitong brownout sa inyong nasasakupang barangay ay para sa
lalong ikagaganda at ikaaayos ng inyong mga linya. Ibayong hirap at pagod ang
dinaranas ng ating mga linemen at dahil dito ay inihihiwalay na o pineprepara na
ang magandang layunin ng Penelco ng sa darating na panahon ay magkakaroon na ng
sariling substation sa Colo Dinalupihan para sa mga karatig barangay na
nasasakupan. Kung ito ay maisasakatuparan na ay lalong ibayong kaluwagan para sa
ating lahat. Maiiwasan ang posibleng overloading ng substation dahil sa hindi
mapigilang paglago ng ating ekonomiya. Higit sa lahat ang serbisyo ng Penelco ay
serbisyong totoo na maihahain ng kooperatiba para sa ating mga
kababayan.
Sa kabila ng
magandang panukala ng Penelco nanduon pa rin ang hirap ng trabaho ng ating mga
linemen. Nanduon ang matuyuan ng pawis habang rumaragasa sila sa trabaho sa
kalakasan ng kulog, kidlat at ulan. Maghapon basa at halos malipasan ng pagkain
sa kagustuhan matapos kaagad ang trabaho bago dumating ang alas singko ng hapon.
Sa dami ng consumers na pinaglilingkuran at pinagsisilbihan ay pagod talaga ang
dinadanas. Sana naman po ay maintindihan natin ang kahalagahan ng kanilang
trabaho.
Kung sakaling
kayo ay makaranas ng no power o brownout mangyari na magtungo lamang tayo sa
Penelco sub-office na ating nasasakupan at pirmahan ang consumer complaint
report ng sa ganun ay matugunan namin ang inyong hinaing o reklamo sa kuryente.
Laging tandaan madaling matugunan ang inyong reklamo kung tayo ay dadaan sa
tamang proseso. Trabaho ng ating linemen ang tingnan ang lahat ng complaint para
sa araw na iyon. Ang mga nagreport ng personal sa tanggapan ng Penelco na
pumirma sa complaint report ang matutugunan lamang ng Penelco lineman. Kung
shifting time naman at verbal lamang ang complaint ay posibleng makaligtaan ang
reklamo . Para po sa inyong kaalaman magyaring magtungo lamang po tayo sa ating
Penelco sub-office upang maaksiyonan ang inyong reklamo o kung nasa field ang
ating linemen at emergency cases maaari po kayong humingi ng tulong sa alin mang
tangapan o branch ng Penelco para sa mabilis na aksyon. |