GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow July 2004 arrow Editor's Note

 
Editor's Note   Print  E-mail 

JULY na naman, panahon ng tag-ulan, panahon din na kung saan medyo may kahirapang kitain ang pera, panahon ng bagyuhan na kahit sino ay hindi makakaisip ng kahirapan tuwing papatak na ang ulan. Kahit saang dako ka maparoon kapag umuulan ay hindi ka makakaligtas na hindi ka mabasa liban kung ikaw ay nasa loob ng iyong pamamahay. Lalo't higit ay malaking perwisyo rin ito sa mga mag-aaral especially sa mga kalalakihan dahil ayaw nilang magdala ng anumang pananggalang sa ulan. Gayundin sa mga manggagawa, sigurado walang trabaho kapag pumatak na ang ulan kahit na ang mga empleyado ng isang kompanya ay apektado rin dahil sa pagpasok at pag-uwi ay laging basang-basa kapag walang tigil ang buhos ng ulan.

Apektado rin ang ating mga magsasaka lalo na sa kanilang mga pananim ay tiyak na maaapektuhan sa tuwing darating ang panahon ng tag-ulan. Pero sa kabilang banda ay masarap din naman kapag panay ang buhos ng ulan, di ba ang sarap kumain kahit hindi masarap ang ulam? Di masarap matulog pag panay ang ulan? Di ba pag malakas ang ulan at may bagyo ay tiyak na idedeklara na walang pasok? At di ba malaking katipiran din sa konsumo ng koryente pag malamig ang panahon? Yun nga lang kung may kabutihan ay mayroon ding kasamaang dulot pag panay ang ulan dahil alam naman natin na kapag panay ang ulan ay pihadong babaha? At kapag may baha na ang lahat ng mga tao ay naka-PRONE sa anumang uri ng karamdaman tulad ng ubo, tae't suka, lagnat o trangkaso at kung anu-ano pang diseases na maaaring dulot ng tubig ulan o baha. Paala-ala lang po sa ating giliw na mambabasa na kapag alam na natin na padating na ang buwan ng tag-ulan ay huwag na huwag nating kalilimutang magdala ng anumang pananggalang sa ulan upang maiwasan ang anumang uri ng sakit dahil panahon ng krisis bawal magkasakit.





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
562240 Visitors

We have 3 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM