GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow July 2004 arrow UNBUNDLED RATE: IPAPATUPAD NA!

 
UNBUNDLED RATE: IPAPATUPAD NA!   Print  E-mail 

Simula Hulyo 2004, ang PENELCO ay ipatutupad na ang paghihiwalay o pag-unbundle ng iba't- ibang bahagi ng kabuuang singil sa kuryente, na ipaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) noon ika-03 ng Pebrero 2004. Ito ay bilang pagsunod sa kautusan ng Republic Act 9136 o Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001.

Sa paghihiwalay ng bayaran sa kuryente, ang mga sumusunod ay makikita sa resibo ng bawat mamimili:

1) Generation Charge. Ito ay sa halaga ng kuryente na binili ng PENELCO sa National Power Corporation (NPC). Ang bayad ay napupunta sa NPC o Generation Company (GENCO).

2) Transmission Charge. Ito ay bayad para sa paghahatid ng kuryente mula sa Generating Plant ng NPC papunta sa Substations ng PENELCO. Ang bayad ay napupunta sa National Transmission Corporation (TRANSCO).

3) System Loss Charge. Ito ay halaga ng kuryenteng nawawala dahil sa mga Technical at Non-Technical Losses na kukulektahin at hindi hihigit sa 14% na itinakda ng Republic Act 7832.

4) Distribution Charge. Ito ay para sa halaga ng pagtayo, operasyon at pagmentena ng mga pasilidad ng PENELCO mula sa High-Voltage Transmission Grids papunta sa lahat ng end-users.

5) Supply Charge. Ito ay para sa serbisyo ng PENELCO sa mga customer gaya ng billing, pangungulekta, customer assistance at iba pa.

6) Metering Charge. Ito ay ang halaga, pagbabasa, operasyon at pagpapanatiling magandang kondisyon ng mga metro ng kuryente.

7 Universal Charge. Ito ay napupunta sa Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) na pag-aari at kontrolado ng gobyerno na nilikha ng RA 9136. Sa pitong bahagi na bumubuo nito, dalawa pa lamang ang sinisingil ng electric cooperatives: ang Missionary Electrification na gagamitin upang mapaabot ang daloy ng kuryente sa mga liblib na lugar at ang Environmental Charges upang mapangalagaan naman ang kapaligiran tulad ng water shed areas.

8) Inter-Class Cross Subsidy Charge. Ito ay halagang sinisingil sa mga uri ng end-users (maaaring large commercial, industrial consumers at iba pang subsidizing customers) upang mapababa ang taripa ng kuryente para sa ibang sector (maaari namang mga ospital, street lights at iba pa).

9) Life Line Rate Discount/Subsidy. Ang Life Line Rate Discount ay tulong na halaga na ibinibigay sa mga residential consumers na may buwanang kunsumo na hindi hihigit sa 40 kWh o mga life line end-users na walang kakayahang magbayad ng kabuuang halaga ng nakunsumong kuryente. Ang Life Line Rate Subsidy naman ay ang pondong gagamitin sa nasabing tulong na magmumula sa lahat ng end-users na hindi nabibilang sa lifeline customers.

10) Loan Condonation. Ang "Loan Condonation" ay ang pag-ako ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation sa mga natitira pang pagkakautang ng mga electric cooperatives sa NEA at iba pang ahensiya ng gobyerno nakapaloob sa Seksyon 60 ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) o Republic Act 9136.





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
562195 Visitors

We have 2 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM