GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow May - June 2017 arrow PENELCO 12th Annual General Membership Assembly 2017

 
PENELCO 12th Annual General Membership Assembly 2017   Print  E-mail 
Matagumpay at mapayapang idinaos ang 12th Annual General Membership Assembly (AGMA) noong ika-27 ng Mayo, 2017. Ito ay ang taunang pagpupulong para sa mga miyembro upang ilahad ang katayuang pampinansyal at mga programa sa taong 2016 ng PENELCO at ang planong pagpapa-ilaw sa kahabaan ng Roman Superhighway at Provincial Road.Matagumpay at mapayapang idinaos ang 12th Annual General Membership Assembly (AGMA) noong ika-27 ng Mayo, 2017. Ito ay ang taunang pagpupulong para sa mga miyembro upang ilahad ang katayuang pampinansyal at mga programa sa taong 2016 ng PENELCO at ang planong pagpapa-ilaw sa kahabaan ng Roman Superhighway at Provincial Road.

Dumalo rin at nagbigay ng mahalagang mensahe sina Gov. Albert Garcia, Congw. Geraldine Roman, Board Member Gaudencio Ferrer at iba pang mga local officials. Umabot sa 23,808 member-consumers ang dumalo sa nasabing pagpupulong na kung saan nagkaroon muna ng maagang pagpapatala na nagsimula sa buwan ng Pebrero hanggang Abil 2017.

Sa kabila ng dami ng bilang ng mga dumalo, ay hindi naging mahirap ang pagpapa rehistro sa kadahilanang naging maayos ang sistema ng pila at naglaan ng 50 on-line computers sa validation area: (25 stations) para sa priority consumers, (25 stations) para sa mga regular consumers at (1) para sa mga VIP member-consumers. Naging bahagi sa matagumpay na programa ang mga outsource personnel tulad ng City Marshals, MBDA, SWAT Team, PNP Bataan, ROTC/ Reserved Army at Red Cross Bataan Chapter.

Nagkaroon din ng papremyo ang kooperatiba para mga konsumedores kung saan nakatanggap ng mga “gift checks” para sa mga minor prizes at at labindalawang (12) motorsiklo para sa major prizes, kung saan may nanalo na isang member-consumer bawat bayan. Naging matagumpay ang taunang pagpupulong na ito, dahil sa partisipasyon ng bawat isa. (Mylene Dominguez)




My PENELCO Bill!

Events Calendar
October 2017
M T W T F S S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.
Penelco Employees Only!



Hit Counter
2781753 Visitors

We have 19 guests online

Copyright © 2012, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM