GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow May-June 2015 arrow PENELCO AGMA 2015: MAAYOS AT MATAGUMPAY

 
PENELCO AGMA 2015: MAAYOS AT MATAGUMPAY   Print  E-mail 

Isang maayos at matagumpay na Taunang Pagpupulong ng mga kasapi o Annual General Membership Assembly (AGMA) ang idinaos ng ating kooperatiba noong ika-30 ng Mayo 2015 na nilahukan ng 4,902 miyembro-konsumedores na ginanap sa PENELCO Main Office, Balanga City.

Inilahad at tinalakay sa kabuuang bilang ng mga miyembrong dumalo sa pagpupulong ang iba't ibang Resolusyon at pag-aamyenda sa Saligang Batas (By-laws) ng PENELCO at inaprubahan ng kapulungan ang mga sumusunod:

a. Paglilipat ng buwan at araw ng Taunang Pagpupulong ng PENELCO mula sa ika-26 ng Abril sa ika-30 ng Mayo;

b. Pagsuspinde na magdaos ng tinatawag na "Referendum" para sa mga miyembro konsumedores at sa halip ay manatili sa kasalukuyang estado ng PENELCO;

c. Pagraratipika ng permanenteng posisyon ng PENELCO sa pamamahala ng National Electrification Administration (NEA) bilang non-stock, nonprofit na kooperatiba.

Tunay na inabangan rin ang mga raffle prizes lalo na ang nakahandang apat na tricycle na mapapanalunan ng mga miyembrong mabubunot sa raffle. Ito ay isa sa mga layunin ng PENELCO na makatulong hindi lamang sa pagbibigay ng episyente at murang halaga ng kuryente kundi maging hanggang sa pantawid kabuhayan ng mga miyembro nito.

Kaya sa lahat ng mga kasapi ng PENELCO, ipagpatuloy lamang natin ang pagtangkilik sa ating kooperatiba para sa lalo pang ikatatagumpay ng mga programa nito.





My PENELCO Bill!

Events Calendar
December 2017
M T W T F S S
272829301 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.
Penelco Employees Only!



Hit Counter
2900407 Visitors

We have 35 guests online

Copyright © 2012, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM