|
|
|
|
|
|
Pamilyar tayo sa kuwento ni David nang labanan niya si Goliat. Napansin ba natin ang ginawang taktika ni Goliat sa mga Israelita? Salita naghamon siya, 1 Samuel 17:8-10 "Sumigaw si Goliat sa mga Israelita, Bakit kailangan pang maglaban tayong lahat? Pumili na lang kayo ng ilalaban sa akin. Kapag ako'y natalo, alipinin ninyo kaming lahat ngunit pag siya naman ang natalo ay kayo naman ang alipin namin. Hinahamon ko kayo mga Israelita, Pumili kayo ng ilalaban ninyo sa akin. " Ulit-ulit niya itong ginawa sa loob ng apat-napung araw. Ang dating sa mga hinamon. natakot, di nakapag-isip, madalas ganyan tayo pag nakarinig tayo ng mga paghamon, nakita natin ang ating kakulangan hindi ang ating kakayahan. Tularan natin si David hindi ang laki ni Goliat ng nakita niya, na tumakot sa marami kundi ang laki na kayang kaya niya itong patamaan. Ang reaksiyon natin, di natin kaya yan, mahihirapan tayo, di pa natin nasusubok sumusuko na tayo. Lalo na't may mga salitang nanggagaling sa mga nakapaligid sa atin na nakakapagpababa ng moral. Iwasan o layuan natin ang mga ganitong tao, di ito makakatulong sa atin. Makisama tayo sa mga taong magbibigay sa atin ng mga positibong pananaw.
Nang nakita ni Goliat si David hinamak niya ito at pakutyang tinanong." Anong akala mo, aso ba ang lalabanan mo at tungkod lang ang dala mo? At si David ay sinumpa ni Goliat sa ngalan ng kanyang Dios. Halika nga rito at nang maipakain kita sa mga ibon at mga hayop." (Sam 17:43-44 )
Pag minaliit tayo di natin ito dapat tanggapin, patunayan natin na sa tulong ng Panginoon magtatagumpay tayo. Ang mga negatibong pagbatikos ng kapwa natin ay magsilbing hamon upang patunayan nating makaya ang Diyos at magagawa nating magtagumpay. (By: Minervina B. Guinto) |