GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow December 2009 arrow Si Direk

 
Si Direk   Print  E-mail 

May mga taong isinilang na may kaakibat na pagnanasang tumulong sa ating kapwa. Isa ito sa mga katangian ng ating iginagalang na Direktor sa bayan ng Limay, Dir. Alberto A. Villaruz. Bago pa siya maglingkod bilang Direktor ng PENELCO ay naging miyembro ng Sangguniang Bayan sa loob ng labindalawang taon at buong-puso niya itong nagampanan para sa kanyang bayang nasasakupan.

Si Direk ay nagsimulang manungkulan sa PENELCO noong Enero 2006 at sa kanyang ikalawang termino ay patuloy pa rin ang kanyang layunin na mapalawak ang serbisyo sa bayan ng Limay, sa mga baranggay at sitio nito.

Patuloy rin ang pagtupad ng kanyang tungkulin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga patakaran ng ating kooperatiba at ang kasiguraduhan na napapaabot sa mga konsumedores ang sistema sa pagbabayad para maiwas sa hindi magandang usapan.

Ipinakita ni Direk ang kanyang katatagan sa pamumuno noong siya ay inihalal bilang Presidente ng Hunta Direktiba dahil napagtagumpayan niya ang lahat ng naging pagsubok na dumating sa ating kooperatiba "Mananatili akong naglilingkod sa ating mga member-consumer ng pantay-pantay at walang itinatangi bilang Direktor ng Limay. Ang isang bagay na maipapangako ko sa inyo ay madali akong lapitan sa lahat oras.”

---

“Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masama... (Awit 1:1-3” ) isa ito sa mga pamantayan ni Dir. Carlito Enriquez upang harapin ang araw-araw na hamon sa buhay.

Si Dir. Carlito Enriquez ang kasalukuyang kinatawan ng mga member-consumer sa lungsod ng Balanga.

Naging malapit sa puso ni Direk sa PENELCO dahil isa siya sa naging electrical lineman at inspector ng Balanga Power Plant Co. Inc hanggang sa maging Maintenance Foreman sa SOBECO (Southern Bataan Electric Cooperative) at BATELCO (Bataan Electric Cooperative) mula April 1976 to March 1990 at matapos ang panunungkulan, siya ay naging Chairman ng Cooperative Development Council 2005-2006. Sa ngayon siya ang Chairman ng Cooperative Union Bank of Bataan (UNLAD Multi Purpose Cooperative) mula pa noong taong 2007.

Sa mga karanasang ito ni Direk Carling, ay ginusto niyang muling ipagpatuloy ang pagtulong at pakikiisa sa mga konsumedores upang kasamang maipaabot ang mga kahilingan sa ating kooperatiba. Ang paggawa at magpasa ng mga batas na magiging biblia ng PENELCO, na para sa kapakanan ng mga miyembro ang adhikain ni Direk Carling na siya namang ipatutupad at ipasusunod sa lahat at titiyaking mabibigyan ng mura at tamang serbisyo ng kuryente. Para sa kanya, ang problemang nararanasan sa pang elektrisidad, kailangang mabigyan ng aksiyon, solusyunan at 90% na nagagampanan.

Sa pagtatapos ng kanyang pagsasalaysay, pinaaalalahanan niya ang bawat isa na manatiling mababa at maglingkod sa mga tao na walang kinikilingan o itinatangi kundi paglingkuran silang pantay-pantay.”

Ang ipailalim ang aking buhay at lakas sa kontrol ni Lord gayun din ang aking mga desisyon at para rin magpatuloy ang pananagumpay ng aking prospesyon”





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
562308 Visitors

We have 5 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM