|
Isa sa mga proyekto ng PENELCO ay isandaang porsyentong (100%) makapag-pailaw sa mga sitios sa Bataan. Sa panukala ng Hunta Direktiba sa pamumuno ni Presidente Ma. Lilibeth R. Fuster (Direktora para sa distrito ng Orion) at sa tulong ng General Manager, Engr. Loreto A. Marcelino katulong din ang BAPA Chairman ng Brgy.
Mabato, Emmanuel Reyes at Kapitana Luz Anza ay hindi naging balakid na mapailawan ang Sitio Upper Mabato, Brgy. Daan Pare. Sinimulang gawin ang pagpapailaw ng nasabing lugar noong Hunyo 18, 2009 sa pamumuno ni Willy Soriano kasama ang kanyang leadman na si Froilan Espinosa at katulong ang mga magagaling na project employees ng PENELCO na sina Joey Bantugan, Eric Guevarra, Joseph De Leon, Jessie Lopez, Sydney Catacutan at Mark Reyes gamit ang telelec (boomtruck) at isang elf truck.
Hindi naging madali sa pasimula ang nasabing proyekto dahil sa makikitid na daan patungo dito at mapupunong lokasyon.
Dahil dito pinangunahan ni Direktora Fuster ang lingguhang pagpupulong sa Sitio upper Mabato upang mapagplanuhan at mapagusapan ang dapat gawin upang mapadali ang pagpapailaw sa nasabing Sitio. Dahil dito, nagkaisa ang mga nakatira sa lugar na magbayanihan at magtulungan sa pagpuputol ng mga puno at kawayang madadaanan ng linya ng kuryente. Umulan man o umaraw ay patuloy ang bawat isa na matapos ang nasabing proyekto.
Tumulong na rin sina fore man Mike Vitug at fore man Mike Momo upang mapabilis ang pagpapailaw sa Sitio.
At sa wakas, pinasinayaan ang proyektong pagpapailaw sa Sitio Upper Mabato sa tulong ng bawat isa noong Setyembre 28, 2009 kung saan pinakamasayang araw sa mga taga Sitio Upper Mabato. Natupad rin ang kanilang kahilingan na matapat sa kapistahan ng kanilang patron na si San Lorenzo Ruiz ang pagpapailaw sa kanilang sitio kaya lubos ang kanilang pasasalamat at kasiyahan sa Maykapal at ganun din sa pamunuan ng PENELCO. |