|
|
|
|
|
|
Isa sa mga patuloy na isinusulong ng PENELCO ay ang mapalaganap ang kaliwanagan sa lalawigan ng Bataan. Kaya naman iba’t ibang paraan ang ginagawa ng BAPA at PENELCO upang matugunan ang mga pangangailangang pang elektrisidad ng mga mamamayan ng Bataan Patunay rito, isang bagong Bapa ang isinilang nitong ika-27 ng Oktubre sa taong kasalukuyan, ito ay ang Bapa Maligaya sa Cabcaben, Mariveles. Naganap sa pagpupulong na ito ay ang pagsasanay sa mga potensyal na mamimili-kasapi na nag nanais magkaroon ng serbisyong pang lektrisidad. Pumaloob sa pagsasanay ang maikling seminar tungkol sa mga alintuntunin ng Bapa, ang tamang pag--aalaga sa metro, pinagkukunan ng pondo ng Bapa, karapatan bilang isang mamimili-kasapi ng Bapa at ang iba’t – ibang uri ng system loss. Pagkatapos ng Seminar ay nag karoon ng halalan para sa mga tatayong mga pangunahing opisyales ng nasabing Bapa. Binigyan din ng pagkakataon ang mga bagong halal ng mga opisyales para makapagpasalamat at mag tagubilin sa mga mamimili-kasapi ng kanilang Bapa na sila ay suportahan sa kanilang mga magagandang adhikain sa nasabing BAPA.
Nawa sa pagkakaroon natin ng mga ganitong mga proyekto ay patuloy nating isulong ang mga adhikain ng Penelco at ng Bapa na patuloy na mapailawan ang kabuuan ng Bataan. |