|
|
|
|
|
|
Si Direk Generosa Malibiran - dela Fuente ay isinilang noong ika-21 ng Marso, 1961 at nagtapos ng kanyang pagaaral sa Adamson University ng kursong Industrial Engineering. Ang kanyang mga magulang ay sina Gng. Jusita Ramos (+) at G. Angel Malibiran na dating Alkalde ng Samal, na siyang nagmulat sa kanya sa paglilingkod at pagtulong sa pangangailangan ng kanyang mga kababayan. Ito ang nagbigay inspirasyon kay Direk upang ipagpatuloy ang kanyang paghabol sa kanyang ikalawang termino bilang representante ng mga “member-consumers” sa bayan ng Samal.
Tulad ng mga ibang Samaleño, isa si Direk Gene sa mga gustong makatulong sa maraming magagandang accomplishment ng PENELCO na sa kanyang paniniwala ay tungkulin ng sinuman na gustong mapabuti ang mga benepisyo para sa mga consumersowners, at ito ang kanyang mga pahayag: “Naniniwala ako sa KARMA, dahil dito ayokong gumawa ng mga bagay na hindi magiging kalugod-lugod sa Panginoon. Para sa akin, itinuturing kong malaking tagumpay sa buhay kung sa pamamalagi ko sa daigdig ay nakapaglingkod ako sa aking pamayanan at sa mga kapus-palad. Sa buhay ko ay sinisikap kong gampanan, sa abot ng aking makakaya, na makatulong sa mga apat tulungan para matupad ko ang atas ng Panginoon na “Ang ginagawa mo sa pinakamahirap na aking nilalang ay ginagawa mo para sa akin.” Ang makatulong sa kanila ang aking kaligayahan at tagumpay na siyang nagbibigay sa akin ng maigting na inspirasyon para sa lalong wastong paglilingkod – hindi lamang para sa consumer-owners ng PENELCO sa Samal kundi sa lahat ng mga tunay na nagmamay-ari ng PENELCO sa buong lalawigan ng Bataan. Ito ang gusto kong maging baon ko sa pagsusulit sa Panginoon.” |