|
Tuloy-tuloy pa rin ang programa ng ating kooperatiba sa pakiki-isa at pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng National Electrification Administration (NEA) sa pamamagitan ng Brigada Eskwela na kung saan ay nagbibigay ng impormasyon sa mga estudyante sa iba’t ibang paaralan ng ating lalawigan. Nagsimula ang nasabing programa noong buwan ng Agosto at matagumpay na pinagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.
Ngayong buwan ng Setyembre ay nagtungo ang Brigada Eskwela sa Luacan National High School sa Dinalupihan, St. Francis De Verona Academy sa Hermosa, Orani National High School at Holy Rosary Parochial Institute sa bayan ng Orani at nitong huli ay sa Mariveles National High School. Napapaloob sa nasabing programa ang pagbabahagi ng iba’tibang impormasyon, katulad ng mga sumusunod: Pagtitipid sa kuryente:
Sa panahon ng tag-ulan, iwasang gumamit bentilador.
Ugaliing mamalantsa ng maramihan, huwag paisa-isa
Iwasan ang maghapong panonood ng telebisyon at paggamit ng dvd.
Tamang paggamit ng kuryente:
Mga dapat gawin:
Kapag maglilinis ng kasangkapang de-kuryente, siguraduhing ito ay naka unplug.
Ilayo ang mga plug ng kasangkapang de-kuryente sa tubig.
Mga hindi dapat gawin:
Kapag basa ang kamay o ang paa, huwag hahawak sa mga kasangkapang de-kuryente.
Huwag gagawin ang octupos connection sa isang extension outlet.
Ibat-ibang impormasyon na naibahagi ng Brigada Eskwela sa mga estudyante.
Pagkatapos ng talakayan, nagdaos rin ang nasabing grupo ng tree planting at kasabay nito ay ang pag i-inspeksyon ng PENELCO sa electrical lines sa buong eskwelahan.
Katulad ng kasabihang, Kung ano ang itinanim, ganun din ang aanihin, nawa ang maliit na impormasyon na itinanim sa mga mga kaisipan ng mga batang ito ay patuloy na umusbong at yumabong at sa banding huli, sila naman ang magiging ilaw ng bayan! |