GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow September 2009 arrow Si Direk

 
Si Direk   Print  E-mail 

Nasa ikalawang termino na ng panunungkulan ang ating mahal na Direktor ng Orion na si Dir. Ma. Lilibeth R. Fuster mula noong Enero 2006 bilang kinatawan sa pangangailangan ng mga member-consumer sa larangan ng kuryente.

Minsan pa nating kilalanin si Direk sa kanyang pagsasalaysay ng kanyang pananaw at adhikain sa buhay...

Sa pagtatapos ng misa, magbabasbas ang pari at magbibilin, “Humayo kayo at ipamahagi ang anumang biyaya at kakayanan sa kapwa. Anuman ang puwede nating gawin ngayon, gawin na natin at di na natin maaaring balikan ang nakaraan.” Pakiramdam ko ay nasa puso ko na talaga ang maglingkod sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Ito ay ang naging dahilan kung bakit ko napiling maging isa sa kabahagi ng ating kooperatiba bilang Direktor sa aming bayan.

Naging inspirasyon ko ang dalawang panuntunan ko sa buhay: (1) “The Golden Rule” (huwag mong gagawin ang ayaw mong gawin sa iyo ng kapwa mo). Masakit at mahirap masaktan kaya kung maaari ay pag-isipang mabuti ang mga bawat galaw sa buhay. Mabigat ang pakiramdam ng taong may alalahanin at galit sa kapwa, maaari pa itong magdulot ng sakit na siya pang ikababagal ng mga katuparan ng kanyang mga adhikain. (2) “Law of Karma” - mabuti o masama ang gawin mo, sigurado babalik sa yo. Hindi natutulog ang Diyos, nakikita Niyang lahat ang ating ginagawa,kaya’t anuman ang ating gawin, may balik sa atin. Hindi ngayon, hindi mamaya o bukas, maaring sa ibang araw,sa ibang pagkakataon at sa ibang lugar.

Always be just and fair, maging patas sa lahat at laging pairalin amg katapatan. Hayaan nating nababalot ng pag-ibig ang ating mga puso para sa masaya at malayang pamumuhay.

Sa ngayon, meron na lang akong dalawang (2) buwan upang maglingkod bilang Direktor ng Distrito ng Orion at bilang Pangulo ng Hunta Direktiba. Sa loob ng maikli na lang na panahon ay ginagawa ko na ang lahat upang matugunan ang inyong mga pangangailangan para sa mas ikaaayos ng ating mahal na PENELCO upang tayo ay makapagbigay ng epektibong serbisyo sa ating nasasakupan. Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang magandang nagawa ng aking kapatid (Mayor Antonio L.Raymundo,Jr.) sa aming bayan ng Orion kung kaya’t nais kong ituloy ang kanyang mga nasimulan.

Madalas kong sabihin na dapat lagi tayong handa sa anumang pagbabago at narito ako ngayon sa ganoong sitwasyon.

Nakakakungkot ang paglisan, pero ibang kabanata na naman ang sisimulan. Saan man ako dalhin ng tadhana, mananatili akong “concerned member-consumer” ng ating kooperatiba at patuloy na makakasama ng bawat miyembro at empleyado sa mga gawaing tuwid at makatarungan.

Nagpapasalamat din ako at ako ay nabigyan ng pagkakataong maging bahagi ng “PENELCO Family” at hindi matatawaran ang mga dagdag karunungan at mga karanasang pinagdaanan ko. Kaka-ibang saya at lungkot, mabibigat na pagsubok na masasabi kong malaki ang naitulong upang ako ay mas maging handa sa landas na aking tatahakin.

Maraming salamat sa inyong suporta! Mabuhay ang PENELCO!





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
564865 Visitors

We have 15 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM