|
Ang sikreto sa pagunlad ng isang samahan, mapamalaki man ito o maliit, ay nagmumula sa suporta at tiwala na ibinibigay ng mga manggagawa at lalo na ng mga kasapi nito.
Sa loob ng labing siyam na taon ng pagsisilbi ng PENELCO sa lalawigan ng Bataan, napagdaanan nito ang mga iba’t-ibang pagsubok. Mga hamon na sumubok sa tatag at paninindigan ng Kooperatiba na pilit na pinagtagumpayan ng pangasiwaan at ng mga manggagawa nito para sa mga mamimiling-kasapi at para na rin sa kapakanan ng buong lalawigan. Kung hindi dahil sa walang humpay na suporta, pagtangkilik at pagtitiwala ng mga mamimiling-kasapi hindi magiging madali ang laban na ating kinaharap. Bilang pasasalamat sa pagtangkilik at tiwalang ibinigay ninyo sa Kooperatiba, magkakaroon ang PENELCO ng paraffle― Handog Pasasalamat 2, para sa lahat ng mga mamimilingkasapi.
Ang lahat ng memberconsumers na maagap makapagbabayad ng kanilang SEPTEMBER BILL ay maaaring sumali. Ihulog lamang sa mga dropboxes na matatagpuan sa pinakamalapit na Service Center sa bawat bayan ang inyong entries.
Alin man sa mga sumusunod ay maaring mapasakamay ng mga masuwerteng mabubunot: 1st prize – 21” TV; 2nd prize – 14” TV (2winners) ; 3rd prize – Washing Machine(2winners) ; 4th prize – Iphone TV ; 5th prize – DVD player (two winners) Consolation: Rice cookers, Double burner gas stove (2units), MP5 (2units) Stand fan (5units), Floor Fan (5units), Desk fans (4units), Coffee maker, Insect killers, Oven toaster, 1000php/Service Center At marami pang iba...
Ang raffle draw ay gaganapin sa ika-7 ng Nobyembre, 2009 sa oras na ika-10 ng umaga sa PENELCO Main Office Leadership Hall. Para sa mga katanungan at iba pang detalye hinggil sa draw, at kung papaano sumali, maaaring magtanong sa mga Service Centers.
Ang pa-raffle na ito ay taos-pusong pasasalamat ng PENELCO sa pagsuporta ninyo sa Kooperatiba. Amin pong aasahan ang inyong mainit na pagtanggap at patuloy na pagtangkilik sa mga darating pang mga panahaon. Maraming salamat po! |