GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow August 2009 arrow Si Direk

 
Si Direk   Print  E-mail 

Hindi nabigo ang mga memberconsumer sa muling pagkandidato at pagkapanalo ng dating “Ama ng Abucay” upang kumatawan sa kanilang pangangailangan sa larangan ng elektrisidad.

Muling napatunayan ni Dir. Vicente “Enteng” C. dela Fuente ang pagmamahal sa kanya ng kanyang mga kababayan nang siya ay muling suportahan sa nakaraang halalan ng mga Direktor noong Marso 2009. Bahagi ng kanyang tagumpay ang kanyang kabiyak na si Gng. Edna Garcia-dela Fuente, ang kanyang walong (8) anak at higit sa lahat ang kanyang mga taga suporta na naging inspirasyon ni Direk upang ipagpatuloy ang kanyang paglilingkod sa kanyang mga kababayan.

Tulad ng kanyang mga magulang na dati ring Alkalde ng Abucay na sina Lorenzo at Maxima dela Fuente, si Direk Enteng ay nanungkulan bilang Punong Alkalde ng Abucay sa loob ng walong (8)taon mula 1988-1995 sa patnubay ng kanyang prinsipyong “pakikipaglaban kung ano ang nararapat para sa kapakanan ng nakararami”.

Bilang representante ng nasabing bayan, buongpuso niyang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang kasapi ng Hunta Direktiba sa pamamagitan ng pagbuo ng mga “policy”, para sa lalo pang ikakauunlad ng kooperatiba at patuloy na suportahan sa lahat ng programang ipapatupad na tutugon sa pangangailangan ng mga member consumer para sa pagpapanatili ng maayos na serbisyo nito at ang misyon na mapanitili ang mababang taripa ng kuryente.





My PENELCO Bill!


Events Calendar
July 2010
M T W T F S S
2829301 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31 1
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
318272 Visitors

We have 1 guest online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM