GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow July 2009 arrow BUKAS NA LIHAM KONTRA NASECORE-BATAAN AT CDA

 
BUKAS NA LIHAM KONTRA NASECORE-BATAAN AT CDA   Print  E-mail 

Mahalaga ang inyong pagdalo upang marinig ninyo ang mga kaunlaran at mga pagbabagong isinasagawa ng PENELCO sa kabuuan tulad ng mga sumusunod:

Ang singil ng PENELCO ay mas mababa ng P3.75/bawat kilowatt kumpara sa MERALCO at iba pang mga Electric Coop sa bansa;

Mayroon tayong 14 na mga modelo at makabagong service centers sa buong lalawigan upang mailapit sa mga tao ang serbisyo ng PENELCO;

Mayroon ding 12 high-tech na substations na tiyak na kakayanin ng bawat bayan ang pagbibigay

ng magandang paglilingkod at tamang boltahe ng kuryente sa bawat kasapi at consumers;

Nabawasan at madaling nagagawan ng remedyo ang mga brown-outs pwera na lang kapag mula sa NPC o TRANSCO;

Maraming sasakyan ang PENELCO para tugunin ang inyong mga problema at iba pang pangangailangan.

Huwag maniwala at palinlang sa mga isinasabog na kasinungalingan ng NASECORE-Bataan at ng CDA, nanatiling matatag ang PENELCO hindi na kinakailangang sagipin at sa katunayan ay

pinagtutulungan ng NASECORE Bataan at ng CDA na akitin ang PENELCO dahil pagkakakitaan nila ito para itustos sa kanilang mga wala ng kakayahang tanggapan. Kung kinakailangan sagipin ang PENELCO, mayroon ba silang kakayahan sumagip gayong malaon na silang nalulunod?

Ang tanong ay kung bakit sa bilang na 119 Electric Cooperative sa bansa, 8 lamang ang naakit nilang sumapi sa kanila at nagtiwala? Nasaan ang 111 na nananatili sa NEA at kung sinasabi nilang ang PENELCO ay rehistrado na sa CDA, bakit hindi nila naibigay ang tatlong taong transition period sa mga Direktor o tatlong taong walang election tulad ng kanilang ipinapangako. Bakit din kung naniniwala ang dating limang Direktor na nagrehistro nito sa CDA na umaasang walang election sa loob ng tatlong taon, bakit sila nagsipagfile ng certificate of candidacy noong nakaraang eleksyon ng PENELCO hanggang sa matalo ang apat sa kanila? Maliwanag na sila man na mga Direktor na Pro-CDA ay naniniwala na hindi valid ang registration ng PENELCO sa CDA dahil:

Hindi nagbayad ang PENELCO ng registration fee at hindi nagcomply sa mga requirements na hinihingi nito;

Sinabi ni Atty. VIgare ng CDA na basta i-rehistro lang, to follow na lang ang fee at mga requirements na kailanman ay hindi nila ginawa sa mga primary at secondary cooperatives.

Ang ganitong pagtrato, tigilan na ang pagpapanggap, huwag sana ninyong linlangin ang mga mamamayan. Sa ating mga kasapi, walang makapagbibigay sa atin ng magagandang serbisyo at murang kuryente kung hindi ang PENELCO na nakakasakop sa atin na sa katunayan ay taon-taon tumatangap ng pagkilala at mga parangal. Sa Bataan ay maraming primary at secondary na kooperatiba ang nagsara at namatay sa ilalim ng CDA pero wala silang ginawa para ito ay muling bumangon dahil sila man ay walang kakayahang pampinansyal upang gawin at tulungan ang mga ito.

Kaya’t bilang mga miyembro, imulat ninyo ang inyong mga mata, huwag tayong pagamit sa mga mapanlinlang na tulad nila at ito ang matibay na posisyon ng Ama ng ating lalawigan Gobernador Enrique “Tet” Garcia, Jr. at ng Bataan Mayor’s League, ayaw nila sa CDA at ibig nila na ang PENELCO ay manatili sa superbisyon ng NEA. Sa NEA ay matatag tayo at may liwanag ang bukas para sa lalawigan ng Bataan at sa mga minamahal na kasapian.

Mabuhay po kayo at makiisa tayo sa PENELCO. Huwag na po nating ibalik ang nakaraang pamamahala ng BATELCO na madalas ay nagkakabrown out hanggang sa ito ay bumagsak at magsara. Pagpalain po tayo ng Panginoon at magkaroon ang bawat isa ng magandang bukas.





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
562295 Visitors

We have 5 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM