|
|
|
|
|
|
“Ang namumuno ay tagapaglingkod at hindi pinaglilingkuran”.
Muling nabigyan ng pagkakataon na mapaglingkuran ang mga konsumerdores, ang isa sa mga taong malaki ang naging kontribusyon sa pagbangon ng kooperatiba mula sa dating kalagayan nito.
Isang tunay na anak ng Mariveles ang kinatawan ng ating kooperatiba na si Dir. Almario S. Rubia na nabibilang sa malaking angkan sa kanyang nasasakupang bayan. Siya ay nagtapos ng pag-aaral sa National Teachers College bilang isang guro at Master of Arts in Educational Management sa Bataan National School of Arts and Trades. Untiunti ay nagampanan niya ang kanyang propesyon bilang Teacher-In-Charge, sinundan ito ng kanyang pagiging Head Teacher, Principal at District Supervisor bago siya naging “Education Supervisor 1” ng ating lalawigan mula pa 1998 hanggang kasalukuyan. Tulad ng kanyang propesyon, kasiyahan na ni Direk Mario ang mapaglingkuran ang kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanyang tulong sa ating kooperatiba at mga memberconsumer sa mahigit na 10 taong pagiging direktor.
Naging inspirasyon kay direk ang suporta ng kanyang pamilya at ang tiwalang ibinigay sa kanya ng kanyang mga kababayan upang maipagpatuloy ang kanyang nasimulan at intensiyon na mapanatili ang magandang pamamahala nito para sa ating mga konsumedores. |