|
Noong December 2007, ang Bapa Hilltop Phase I ay muling nagdaos ng halalan para sa panibagong termino ng mga bagong pamunuan.
Ang mga nahalal na opisyales ay ang mga sumusunod: Chairman : Mario Malit Vice Finance : Emanuel Galang Secretary : Ma. Theresa Gonzales Auditor : Josephine G. Espineli Vice Operation : Eduardo Nilasca Meter Reader : Mussolinl Dela Luna
Sa panahon ng kanilang termino, pinagsikapan ng mga bagong pamunuan na magkaroon sila ng isang proyekto na magiging kapaki-pakinabang sa buong samahan kung kayat ang lahat ng mga kasapi sa Bapa Hilltop P-1 ay nakiisa at nakipagtulungan para maisakatuparaan ang kanilang mithiin.
Dahil sa maayos na operasyon ng kanilang Bapa hindi naging imposible sa kanila na maisagawa ang kanilang proyekto dahil ng makaipon ng sapat na pondo ang kanilang samahan unti-unti nila itong napasimulan.
Sa ngayon, ang Bapa Hilltop Phase I ay nakapagpatayo ng isang opisina na kanilang magagamit tuwing sila ay may kasiyahan at pagpupulong na gagawin. Ang mga opisyales ay naglalagi rin
dito para tumanggap ng pagbabayad sa buwanang konsumo ng mga kasapi at makinig tuwing sila ay may karaingan.
Ang samahan ay gumastos ng humigit kumulang sa P 130,000.00 para sa pagpapatayo ng kanilang opisina at ang pondong ginamit dito ay unti-unting inipon ng Vice Finance upang ito ay
maipatayo. Bagamat, sila ay naharap sa malaking gastusin, ang samahan ay may naiipon pa ring pondo na nagkakahalaga ng P17,000.00(as of June 2009).
Sa pagtatapos ng termino ng kanilang mga opisyales sa December 2009, sila ay nakapagbahagi ng isang mahusay na panunungkulan at naisakatuparan nila ang magandang hangarin na makapagdulot
ng isang proyekto para sa kapakanan ng lahat ng kasapi ng Bapa Hilltop P-1, Dinalupihan, Bataan.
|