|
|
|
|
|
|
“Lumahok ako sa halalan bilang Direktor ng PENELCO upang matulungan ang aking mga kababayan sa mga kailangan at problema sa enerhiya”. Ito ang payak ngunit makahulugang tugon ng isang anak ng Dinalupihan sa katauhan ni Direk Benjie. Isang guro at ehemplo ng mga kabataan ang bagong kinatawan ng kooperatiba sa bayan ng Dinalupihan, sa katauhan ni Dir. Benjamin V. Estrella na isinilang noong ika-5 ng Setyembre 1949 at nagtapos ng pag-aaral ng Bachelor of Science in Elementary Education sa University of Sto. Tomas. Siya ay nakapagturo sa ilang mga barangay sa Dinalupihan at ngayon ang kasalukuyang ALS Coordinator (Bureau of Alternative Learning System) sa West Dinalupihan District, kung saan ay umaalalay sa mga kabataan upang maipagpatuloy ang kanilang edukasyon.
Sa kanyang kasalukuyang panunungkulan bilang Direktor, marami ng natulungan si Direk na mga konsumedores sa kanyang nasasakupang bayan. Patuloy pa rin ang kanyang hangarin na mapailawan ang mga Sitio tulad ng Sitio Tambao, Maguindong at mga karagdagang poste at linya sa iba’t ibang barangay upang maging ligtas at payapa ang kaniyang mga kababayan.
Sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng kanyang ga kababayan, ito ay kanyang susuklian ng tunay na serbisyo sa larangan ng elektrisidad upang kanyang maisakatuparan ang pangunahing responsibilidad ng isang kinatawan ng Kooperatiba. (ni May D.) |