|
Sa kabila ng pagnanais ng ilang Bapa na maibalik sa Penelco ang pamamahala ng kanilang samahan, ang Special Project Section (BAPA) ng Penelco ay patuloy na nagsasagawa ng Bapa Mechanics sa mga Sitios na nais maging Bapa ang kanilang lugar.
Sa katunayan, sa bayan ng Florida Blanca, dalawang sitios na naman ang napailawan ng Penelco at ito ay ang Sitio Binalaba at Sitio Calixto. Ang Sitio Binalaba at Calixto ay naiorganisa bilang Bapa noong ika – 07 ng Mayo 2009 at ika -06 ng Hulyo 2009 at ito ay nasasakupan ng barangay Dampe. Bagamat ang 2 sitios na ito ay sakop na ng Pampanga, hindi naging hadlang ito para sila ay mapailawan. Sa katunayan, ang Dinalupihan Service Center ang nakakasakop sa kanila pagdating sa teknikal na aspeto.
Ipinaliwanag ng Special Project Section sa lahat ng naninirahan sa Binalaba at Calixto, kung ano ang napapaloob sa Bapa at ang kanilang magiging tungkulin at obligasyon kapag ang kanilang lugar ay maging isang ganap na BAPA.
Sa ngayon, ang Sitio Binalaba at Calixto ay na-energized na bilang Bapa at humigit kumulang sa sampung pamilya ang nabiyayaan ng koryente.
Ang mga naninirahan sa Sitio Binalaba at Calixto ay tuwang-tuwa sa pagpapailaw ng kanilang lugar sapagkat magkakaroon na sila ng pagkakataon na makapagtayo ng maliit na negosyo sa tulong ng benepisyong kanilang matatanggap mula sa koryente.
Sa ngayon, may mga opisyales na nangangasiwa sa Sitio Binalaba at Calixto na handang gampanan ang mga tungkulin na iniatang sa kanila at handang sumuporta sa mga programa ng Penelco upang patuloy na makagpalaganap ito ng elekrisidad sa mga malalayong lugar. |