|
|
|
|
|
|
Dream and Achieve! Think and Fulfill! Isang dating pangarap na ngayon ay isa ng katuparan para sa ating bagong kinatawan sa bayan ng Orani, si Direktor Mauro Capili Bernales na nahalal noong ika-21 ng Marso, 2009.
Si Direk Mori ay ipinanganak noong ika-21 ng Marso, 1957 at kasalukuyang naninirahan sa Apollo Village, Orani, Bataan. Ang kanyang butihing maybahay ay si Gng. Helen Maņez Bernales at napagkalooban ng apat (4) na anak, kabilang dito ang Vice Mayor ng Orani, Anthony M. Bernales. Sa kasalukuyan, siya ang namamahala sa pinagsikapang negosyo ng kanyang pamilya. Sa kagustuhan na mapaglingkuran ang kanyang sariling bayan, siya ay naghangad na mapabilang na maging representante at boses ng mga memberconsumer. Isa na dito ang mithiin niyang mapailawan ang mga upland at coastal areas sa bayan ng Orani.
Si Direk Mori ay naniniwala na ang pagkakaroon ng transparency at harmonious relationship ng PENELCO Management at mga memberconsumer ang magiging daan sa lalo pang matagumpay na operasyon ng ating Kooperatiba.(ni May D.) |