|
|
|
|
|
|
Isa sa mga programa ng Bapa sa ngayon ay ang pagsasa-ayos ng mga linya at metro. Ito ay alinsunod sa programa ng PENELCO na patuloy na mapababa ang system loss o ang mga kuryenteng
nawawala. Gayundin, patuloy na ma-iangat ang kalidad ng serbisyo sa mga mamimili kasapi nito.
Napapaloob sa programang ito ay ang pagpalit ng mga luma o yung mga lipas na metro, paglilipat ng mga metro sa mas maayos na pwesto at ang pag-calibrate sa mga metro nito. Ang unang naisaayos na BAPA ay ang mga sumusunod:
- Overland, Resettlement, Sitio Ipil at Balbueco, San Antonio sa Bayan ng Bagac.
- Sitio Nara Cabog-Cabog, Sto. Niņo, Central Cupang sa Siyudad ng Balanga.
- Tala Phase 2&3 sa Bayan ng Orani.
- Bagong Silang, Pantingan sa Bayan ng Pilar.
Sa katunayan, maraming mga miyembro-kasapi ng BAPA ang lubos na nagagalak sa ganitong programa. Naisin nila na patuloy na ang ganitong mga gawain. Na lubos na ikinatuwa ng mga mamimili-kasapi ng mga nasabing BAPA. Lahat ay pinagpapasalamat sa ating General Manager sa pagtugon sa kanilang mga hinaing.
Para sa inyong mga katanungan o kung nais nyo rin mapabilang sa mga BAPA na nagkaroon ng pagsasa-ayos ng mga metro at linya maaari po kayong tumawag sa mga linyang ito 047-237-3512/13. Local 127 maari rin po kayong dumiretso sa BAPA Office sa Roman Super Highway, Siyudad ng Balanga. |