GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow April 2009 arrow GAWAD PARANGAL ng PENELCO sa taong 2008

 
GAWAD PARANGAL ng PENELCO sa taong 2008   Print  E-mail 

Noong ika-24 ng Abril 2009 ginanap sa Grand Regal Hotel, Siyudad ng Davao ang pagkilala ng National Electrification Administration (NEA) sa mga Electric Cooperatives (ECs) na nagpamalas ng natatanging paggawa para sa taong 2008.

Gaya ng mga nakaraang pagtitipon ng lahat ng mga ECs sa buong Pilipinas, ang PENELCO ay muli na namang kinilala para sa natatanging pagseserbisyo sa kanyang mga kasapi-mamimili, na kinabibilangan ng mga sumusunod:

(1) Special Award for Category A+ ECs – para sa natatanging pamamalakad sa operasyon ng Kooperatiba upang patuloy na maisayos ang may kalidad na serbisyo ng kuryente; (2) Special Citation for ECs with the Best Financial Performance for the Year – para sa maayos na pamamalakad na pinansiyal sa pamamagitan ng resonableng mga desisyon at stratehiya upang masabayan ang mga hamon dulot ng pagbabago sa teknolohiya at industriya ng kuryente; (3) Model Employee’s Association and Union – para sa sama-samang pagsisikap ng mga empleyado upang mapangalagaan ang interes ng Kooperatiba, mga empleyado, lalo’t higit ng mga kasapimamimili sa pamamagitan ng matiwasay at payapang pamamaraan ng pakikipagkasundo; (4) Region with the Most Number of Additional Consumer Connection (Region III) – bilang isa sa mga EC ng Gitnang Luzon tayo ay kinilala para sa ating kontribusyon upang makamtan ang kahanga-hangang gawa na walong milyong (8 million) napailawang kunsomidores; (5) Showcase of Excellence through Lakbay Aral – ang PENELCO ay nakatutulong sa ibang mga kooperatiba maging sa mga dayuhang panauhin na bumibisita sa atin upang mapag-aralan ang ating mga pamamaraan at naging karanasan sa pagpapailaw ng Bataan; at (6) Certificate of Recognition for ECs which have Participated in Task Force Kapatid (Typhoon “Cosme”) – para sa pakikibahagi sa kagyat na pagsasaayos
ng mga nasirang linya ng kuryente dulot ng pinsala ng bagyong Cosme sa Central Pangasinan (CENPELCO).

Ang lahat ng mga pagkilala na ating tinamo ay bunga na din ng pagsusumikap ng pangasiwaan, mga director at mga
empleyado. At higit sa lahat, ang dahilan ng pagsasakatuparan nito ay ang kooperasyon at pagsuporta ng mga kasapimamimili sa mga programa at proyekto ng ating Kooperatiba. Mula sa pamunuan kasama ang mga director at mga kawani ng PENELCO maraming salamat po.





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
562345 Visitors

We have 8 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM