|
|
|
|
|
|
“Ang pagiging kuntento ay hindi dahilan kung ang layunin natin ay tumulong at mapaglingkuran ang ating mga kababayan.” Ito ang mga katagang nagbigay inspirasyon sa bago nating kinatawan sa bayan ng Hermosa.
Si Dir. Edna Jaring-Cruz ay ipinanganak noong ika-26 ng Oktubre, 1952 at anak nina G. Leonardo R. Cruz at Gng. Lourdes J. Cruz. Siya ay nagtapos ng kanyang pag-aaral ng Bachelor of Science in Nursing sa St. Anne College. Siya ang nagsisilbing ama at ina ng kanyang anak na si Kristine Joy (21) mula ng sumakabilang buhay ang kanyang asawa nitong nakaraang taon. Bago pa siya mahalal bilang kinatawan ng kaniyang bayan, si Direktora Cruz ay naging kawani sa Bataan General Hospital bilang “registered nurse” at sa kasalukuyan siya ang “Municipal Nurse” sa Health Center ng Hermosa na naging dahilan upang mapalapit ang kanyang loob sa pangangailangan ng kanyang mga kababayan lalo na sa pamilyang dumaranas ng kahirapan ng buhay.
Sa pagiging Direktor ng Kooperatiba, naniniwala siya na ang katapatan at kababaan ng loob ang kanyang panghahawakan upang higit na magampanan ang kanyang responsibilidad sa mga member consumers para sa mga taga Hermosa. |