| |
|
MGA SITIOS NABIYAYAAN NG BENEPISYO NG KORYENTE
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Sa loob ng labing siyam (19) na taong operasyon ng Penelco, ito ay patuloy na umuusad sa malaking pagbabago at pag-unlad. Ang bilang ng mga mamimili-kasapi na pinaglilingkuran ay patuloy na tumataas lalung-lalo na yaong mga naninirahan sa liblib na lugar o malalayo sa kabayanan.
Ang Bapa Staff ay nagsasagawa ng Bapa Mechanics sa mga lugar na ito upang sila ay maiorganisa bilang isang Bapa. Isinasagawa ang ganitong proyekto upang makatulong ang Kooperatiba na maitaas ang antas o uri ng pamumuhay ng mga naninirahan sa mga sitios at malasap nila ang biyaya at benepisyo na nakukuha sa elektrisidad. Sa ngayon, ang mga bagong kapuso at kapamilyang Bapa na makatatanggap ng liwanag mula sa benepisyo ng koryente ay ang mga sumusunod: Sitio Mabato Daan Pare, Orion Lower Dangcol P2, Balanga City Sitio Pita Bayan-Bayanan, Orion Sitio Pinagpala Balsik, Hermosa Gawad Kalinga, Gabon, Abucay Sitio Iningles, Alion, Mariveles
Ang Special Project Section ay patuloy na umaagapay at nagtuturo sa mga bagong halal na opisyales sa mga lugar na ito upang magampanan nila ng maayos ang kani-kaniyang tungkulin at tulungan silang mapaunlad ang kanilang operasyon bilang isang munting Kooperatiba. |