|
Tuwing mga araw ng Sabado sa buwan ng Pebrero 2009, ang Kooperatiba ay nakapagdaos ng apat na eleksyon para sa position ng Direktor sa mga distrito ng Pilar, Morong, Hermosa at Samal.
Nitong ika-7 ng Pebrero, ang halalan para sa Pilar na may pangkalahatang bilang na pitong libo walong daan dalawampu at limang (7,825) botante ay ginanap sa Pilar Elementary School. Ang bagong hinirang na director ay si Ginoong Christopher Pizarro walang katunggali at nagtamo ng pitumpu at dalawang (72) boto. Ang sumunod na halalan ay sa Morong noong ika-14 ng Pebrero. Ito ay ginanap sa Morong Elementary School na may apat na libo limang daan at pitong (4,507) botante.
Ang nagwaging bagong director ay si Ginang Leila Munoz na nagtamo ng isang libo dalawang daan apatnapu at tatlong (1,243) boto mula sa dalawang libo tatlong daan walumpu at tatlong (2,383) bilang ng mga kasapi-mamimili ng nagsiboto.
Ang ikatlong halalan ay sa Hermosa ginanap noong ika-21 ng Pebrero. Ito ay isinagawa sa Hermosa Elementary School na may pangkalahatang sampung libo anim na raan at labing isang (10,611) botante. Ang bagong director na nagwagi ay si Ginang Edna Cruz na nagtamo ng dalawang libo apat na raan walumpu at anim (2,486) na boto sa tatlong libo walong daan walumpu at siyam (3,889) na bumoto.
Ang panghuling halalan sa buwan ng Pebrero ay ginanap sa Samal South Elementary School noong ika-28 ng Pebrero na may pangkalahatang botante na anim na libo tatlong daan animnapu at lima (6,365). Ang nagwagi ay ang dating director ng Samal na si Ginang Generosa dela Fuente na nakakuha ng dalawang libo tatlong daan dalawanpu at anim (2,326) na boto mula sa tatlong libo apat na raan limampu at tatlong (3,453) bumoto. (by: Arianne Valdecaņas) |