GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow February 2009 arrow Talakayan at Paglilinaw sa BAPA

 
Talakayan at Paglilinaw sa BAPA   Print  E-mail 

Pantawid Kuryente: Katas ng VAT. Ito’y isang programa ng pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na naglalayong mabigyan ng power subsidy sa mga mamamayang nakakunsomo 1-100 killowatts. Dahilan dito, isang malawakang talakayan at paglilinaw ang naganap sa punong tanggapan ng PENELCO na dinaluhan ng mga opisayales ng BAPA.

Ang unang araw ng talakayan ay naganap noong ika-12 ng Pebrero na kung saan mga opisyales ng Mariveles, Cabcaben, Bagac at Morong ang dumalo. At noong ika-19 ng Pebrero, dinaluhan naman ito ng mga opisyales ng Balanga, Hermosa at Samal. Noong ika-20 ng Pebrero, mga opisyales ng Limay, Orion at Abucay ang siyang nagsidalo. Mga opisyales ng Pilar at Orani noong ika-26 ng Pebrero, at ang pinakahuli noong ika-27 ng Pebrero, opisyales ng Dinalupihan at Pinulot.

Pumaloob sa programa ang mga proyektong naisagawa na ng PENELCO sa loob ng mga nakalipas ng ilang taon, tinalakay dito kung paano naisaayos ng Kooperatiba ang serbisyo at kung pano nito naibaba ang system loss o ung mga

nawawalang kuryente. Gayundin, inilathala rin dito ang mga proyekto para sa taong pangkasalukuyan at sa mga susunod pang taon, na kung saan layunin ng PENELCO na lalong maisaayos at mapaganda ang serbisyo nito sa mga mamimilikasapi.

Higit sa lahat, mas lalong binigyan diin ang talakayan hingil sa Pantawid Kuryente: Katas ng VAT na siyang lubusan nagbigay ng linaw sa mga katanungan ng mga opisyales.

Gayundin, tinalakay din sa usaping ito ang mga responsibilidad ng mga opisyales ng BAPA sa pagpapalakad nito. at ang mga Benepisyo ng mga BAPA bilang isang mamimili kasapi at bilang kasama sa organisasyon nito. May mga iba’ tibang katanungan ang ihayag ng mga opisyales ukol sa BAPA lalo na sa power subsidy na siya naming nabigyan linaw sa katapusan ng programa.

Sa kasalukuyan ang BAPA ay patuloy na gumagawa ng paraan upang maipakalat ang impormasyon na ito hingil sa power subsidy na galing sa gobyerno nasyonal at iba pang mga layunin ng PENELCO sa hinaharap.





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
564881 Visitors

We have 8 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM