|
Para sa kaalamang ng lahat,ang BAPA o SPD (Special Project Division) ay patuloy na nakakatuwang sa mga Sitio o
Barangay na nag-nanais na magkaroon ng serbisyong kuryente.
Sa katunayan, dalawa rito ang naisayos ng BAPA sa ilalim ng pamamahala ng PENELCO: ang mga ito ay BAPA Griego na
matatagpuan sa Abucay, ito ay naisayos nung ika-3 ng Pebrero sa taong kasalukuyan na may 121 mamimili-kasapi. Gayundin, ang BAPA Sitio Mabato sa dako ng Orion, ito ay naisayos noong ika-21 ng Pebrero sa taon ring ito na may
35 mamimili-kasapi.
Sa kasalukuyan, hinihiling sa mga Opisyales na patuloy na magpasa ng kanilang mga life rate discount bago sumapit
ang ika-25 ng bawat buwan pati ang patuloy na pag- uulat sa mga taga-suri ng BAPA.
Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, ang mga opisyales ng BAPA maaring magsadya at makipag-ugnayan sa
tanggapan ng BAPA sa PENELCO Main-Office, Balanga City o maari kayong tumawag sa mga numerong 047-237-35-12 to 13
local 115. (by: Isaac de Guzman) |