GO
Home arrow ULAT Kooperatiba arrow February 2009 arrow People Works Lifestyles

 
People Works Lifestyles   Print  E-mail 

“Big things come in small packages”; iyan ang pinatunayan ng ating kasamahang si Reynaldo S. Sangalang – mas kilala

sa tawag na Kuya Popoy.

Ipinanganak noong ika-8 ng Enero 1951 - sa ilalim ng simbolo ng Kambing - tubong Pilar, Bataan at butihing anak

nina G./Gng. Jose at Emiliana Sangalang; lumaki si Kuya Popoy na may takot sa Diyos, may paggalang sa kapwa at

pagmamahal sa mga magulang.

Dahil sa sipag at tiyaga, natural na kabutihan ng loob at karisma, nabihag noong binata ang ngayong asawa na si

Gng. Nenita Sangalang.

Hindi naglaon biniyayaan ang dalawa ng tatlong supling - Roderick, Reynaldo Jr, at Jemelyn Sangalang.

Unang pumasok si Kuya Popoy bilang (contractual) lineman sa PENELCO noong ika-9 ng Mayo 1990. Dahil sa sigasig at

sipag sa trabaho, tuluyan na siyang tinggap bilang regular employee noong ika-4 ng Nobyembre ng parehong taon.

Siya ay naatasang maging Service Center Foreman at nadestino sa Bagac Service Center mula 1990 hanggang 1991. Ang

tapat na pagseserbisyo niya sa Kooperatiba ay nakilala ng siya ay gawaran ng parangal bilang “Best Foreman” noong

1990.

Sa kasalukuyan, siya ay patuloy na gumagabay sa kanyang maintenance crew at nagsilbi bilang mamimili-kasapi ng

PENELCO bilang Mariveles Service Center Foreman kung saan siya nakadestino simula pa noong 1992.

Trabaho lang kahit walang nagbabantay. Respeto sa kapwa empleyado. Tsaka ako kasi iyong tipo na pagnasabi-nasabi,

ayoko ng pabago-bago. - Kuya Popoy Mga paniwalang naging gabay ni Kuya Popoy sa trabaho. Simpleng mga salita na

walang kasing halaga kung ikaw ay nagsisilbi sa mga mamamayan upang mapabuti ang serbisyo ng kuryente.

Naging mabuting halimbawa si Kuya Popoy na kahit ano pa ang iyong pinag-aralan, saan ka pa nagmula at kung ano pa

man ang iyong katayuan sa buhay, basta may pagmamahal ka sa trabaho, dedikasyon, respeto at tiwala sa mga tao -

maging kapwa empleyado o sa mga kasapi-mamimili - bubuti ang katayuan mo sa buhay.

Para sa mga dedikadong manggagawa ng PENELCO kayaga ni Kuya Popoy, Mabuhay kayong lahat!





My PENELCO Bill!


Events Calendar
February 2012
M T W T F S S
30311 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 1 2 3 4
This month

Login Form
Username

Password

Remember me
Forgotten your password?
No account yet? Create one

Official Publication of the Peninsula Electric Cooperative, Inc.

Penelco Employees Only!
TXT Info Service.



Hit Counter
562321 Visitors

We have 5 guests online

Copyright © 2003-2010, PENELCO, Inc. All rights reserved. Site Developed BALUYOT.COM