| |
|
Pantawid Kuryente: Katas ng VAT
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Alinsunod sa direktiba ng kagalang galang na pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, isasakatuparan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang programang “Pantawid Kuryente: Katas ng VAT”. Isang programa ng pangulo kung saan magbibigay ang gobyerno ng minsanang Power subsidy sa mga mamamayang nabibilang sa mababang antas ng lipunan upang makatulong sa pagbayad ng kanilang mga electric bill. Dahilan dito, ang DSWD at National Electrification Administration (NEA) ay nagkaroon ng isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa katuparan ng programang ito sa mga lugar na nasasakupan ng mga Electric Cooperative katulad ng PENELCO. Ayon sa nasabing MOA, magbibigay ang DSWD sa NEA ng pondong sasapat para sa limandaang piso (P500.00) Power subsidy na igagawad sa bawat Residential consumer na kumonsumo ng 1 hanggang 100 kWh noong Mayo 2008. Ang NEA ang siyang naatasang makatulong ng DSWD para maging matagumpay ang programang ito ng pangulo.
Sa kasalukuyan ang PENELCO, sa pamamagitan ng DSWD at NEA ay nakatanggap ng pondo mula sa gobyerno na nagkakahalaga ng 30 Milyong Piso. Ito ang Power Subsidy na i-aawas sa buwanang bayarin sa kuryente ng mga Residential consumer na nabibilang sa grupong nabanggit simula Disyembre 2008 hanggang sa maibigay ng buo ang limandaang pisong power subsidy. (rtd) |